^

PM Sports

PLDT Home Telpad maghahabol sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Manatiling buhay ang paghahabol ng puwesto sa finals ang balak gawin ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa pagbangga sa mainit na Army Lady Troopers sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May 2-3 karta ang PLDT at must-win sila sa Lady Troopers sa larong magsisimula dakong alas-6 ng gabi para mapalaban sa kampeonato sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Kung magwawagi ang Turbo Boosters, kaila-ngan nilang manalangin na matalo ang pumapa-ngalawang Cagayan Valley Lady Rising Suns sa walang panalong Meralco sa pagtatapos ng elimination round sa Huwebes.

Bago ito ay magtutuos muna ang Systema Active Smashers at Rizal Technological University Blue Thunders sa ganap na ika-4 ng hapon na isang no-bearing game sa kala-lakihan.

Sinolo ng Lady Ri-sing Suns ang ikalawang puwesto sa 3-1 karta matapos pabagsakin ang PLDT noong Linggo, 25-15, 25-20, 25-16.

Aabante ang Cagayan kung mananaig ang Army na pasok na sa finals sa bisa ng 5-0 karta.

Umabot sa four sets ang unang tagisan na pumabor sa Lady Troopers, 29-31, 25-19, 25-16, 25-18 at asahan na magtatrabaho pa rin sina Dindin Santiago, Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Tina Salak, Carmina Aganon at Rachel Ann Daquis para sa mahalagang momentum sa finals.

Sina Sue Roces, Gret-chel Soltones, Angela Ben-ting, Ryzabelle Devanadera, Maruja Banaticla at Rubie De Leon ang mga magtutulong-tulong para pigilan ang maagang pamamaalam ng koponan. (AT)

vuukle comment

ANGELA BEN

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CARMINA AGANON

DINDIN SANTIAGO

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

JOVELYN GONZAGA

LADY RI

LADY TROOPERS

MARUJA BANATICLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with