Nene, 3 pang Wizards players sinuspindi
MANILA, Philippines - Ipinakita ng Washington Wizards sa kanilang preseason opener kontra sa Chicago Bulls kung ano ang dapat asahan sa team: Sila na ngayon ang ‘The Bad Boys’ sa NBA.
Inihayag ng NBA nitong Miyerkules na apat na Wizards player sa pangu-nguna ni starter Nene kasama sina reserves DeJuan Blair, Daniel Orton at Xavier Silas ay sinuspindi ng isang laro matapos umalis sa bench area sa girian nina Paul Pierce ng Wizards at Chicago Bulls center Joakim Noah.
Ang suspensions ay hindi isisilbi sa mga preseason games kungdi sa unang regular-season game ng kanilang team.
Ibig sabihin, ang Wizards ay lalaro ng kanilang regular-season opener sa pagdayo sa Miami Heat sa Oct. 29 na wala ang kanilang mga power forwards.
Sina Noah at Pierce na may mala-king papel sa nangyaring kaguluhan at parehong pinagmulta ng $15,000 ngunit nakaiwas sila sa suspension.
May kumalat na video sa internet na nakitang itinulak ni Noah si Pierce sa dibdib at saka dinuro naman ni Pierce si Noah sa noo na makikita sa larawan sa ibaba.
Nagtayuan mula sa bench ang mga teammates ng dalawang player pati na ang mga coaches at officials para umawat at bigla na lang nasama sa gulo sina Nene, Blair, Silas at Orton.
- Latest