^

PM Sports

UAAP-PC ACCEL Quantum/3XVI Player of the Week Pedrito Galanza - UE Red Warriors

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nagkamali ang pamunuan nang pinili nila si Pedrito Galanza para maging team captain ng UE Red Warriors sa 77th UAAP men’s basketball.

Nakita ang liderato ng 6’2” third year player ng Warriors sa mahalagang laban kontra sa FEU Tamaraws noong Linggo nang magtala ito ng career-high na 26 puntos para itulak ang koponan sa 94-71 panalo.

Ito ang ikapitong tagumpay matapos ang 12 laro ng host team at nangangailangan pa ng dalawang panalo para makahirit ng playoff sa Final Four.

“As a team captain ay kailangan na mag-lead by example,” wika ni Galanza na gumawa ng 9-of-16 shooting sa laro.

Bago ito ay naghahatid si Galanza ng 10 puntos sa naunang 11 laro ng koponan.

Hindi naman isinentro ni coach Derrick Pumaren kay Galanza lamang ang panalo kungdi sa buong koponan na nagtulung-tulong para makuha ang ikatlong sunod na panalo.

“It was a total team effort. They showed they wanted it more than FEU,” wika ni Pumaren.

Hindi naman lumusot ang magandang ipinakita ni Galanza sa mga mamamahayag na kumukober sa liga dahil sa kanya ibinigay ang UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week citation na may ayuda pa ng Bactigel Hand Sanitizer, Mighty Mom Dishwashing at Dr. J Rubbing Alcohol.

Ang iba pang nakitaan ng magandang laro at puwede ring gawaran ng citation sa nagdaang linggo ay sina Jeron Teng ng La Salle Green Archers at Alfred Aroga ng National University Bulldogs. (AT)

vuukle comment

ALFRED AROGA

BACTIGEL HAND SANITIZER

DERRICK PUMAREN

DR. J RUBBING ALCOHOL

FINAL FOUR

GALANZA

JERON TENG

LA SALLE GREEN ARCHERS

MIGHTY MOM DISHWASHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with