^

PM Sports

Army spikers may pinatunayan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng Army Lady Troopers na palaban sila sa titulo sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference nang patikman ng unang kabiguan ang da-ting mainit na PLDT Home Telpad Turbo Boosters kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naghati sina Jovelyn Gonzaga at Christine Agno sa 18 digs na ginawa ng Lady Troopers upang suportahan ang solidong pag-atake, blocking at service game para palawigin ang sariling winning streak sa apat na sunod sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

“Sinabi ko lang sa kanila na hindi kami puwedeng mag-relax dahil malakas ang kalaban,” wika ni Army coach Rico de Guzman na sinamahan na ang PLDT sa quarterfinals sa nakuhang panalo.

Sina Rosemarie Vargas, Aiza Maizo at Pau Soriano ay nagpakawala ng 13, 12 at 11 puntos habang ang liberong si Shiela Pineda ay mayroong 10 digs at 13 receptions para tulungan ang nagdedepensang kampeon na makabawi mula sa pagkatalo sa PLDT sa huling laro tangan ang 25-13, 25-22, 25-20 tagumpay sa Air Force.

Umangat ang Cagayan Valley sa ikatlong puwesto tangan ang 3-1 baraha habang ang Air Force ay bumaba sa ikaapat na puwesto sa 3-2 marka.

May 12 kills si Nerissa Bautista habang sina Gonzaga at MJ  Balse ay tumapos na taglay ang 12 puntos at si Rachel Ann Daquis ay may 11 puntos para tulungan ang Army sa 43-24 bentahe sa attack points.

Tig-dalawang blocks pa sina Daquis at Ginie Sabas para sa 7-2 kalamangan  habang si Gonzaga ay may 2 aces pa sa 8-5 abante sa serve para makumpleto ang dominasyon ng Lady Troopers.

Nawala ang naunang tikas ng Turbo Boosters dahil si Gretchel Soltones ang siyang lumabas na kamador ng koponan sa matipid na pitong hits at magwakas ang naunang apat na dikit na tagumpay ng koponan.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIZA MAIZO

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY

CHRISTINE AGNO

GINIE SABAS

GONZAGA

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with