^

PM Sports

Brazil mapapalaban sa Colombia

Pang-masa

TERESOPOLIS – Nakapasok ang Brazil at Colombia sa World Cup quarterfinals na may magkaibang pananaw.

Ang Brazil ay nababalutan ng pagdududa dahil sa kanilang mahinang simula habang mainit naman ang Colombia matapos ang kanilang impresibong performance at apat na sunod na panalo.

Habang nahirapan ang host team na talunin ang Chile sa penalty shootout para di masibak sa second round, ang Colombia ay may kumbinsidong 2-0 panalo laban sa Uruguay para makarating sa quarterfinals sa unang pagkakataon.

Magsasagupa ang dalawang koponang ito  nitong Biyernes sa Fortaleza kung saan hangad ng Brazil na panatilihing buhay ang kanilang kampanya para sa ikaanim na World Cup title at hangad naman ng Colombia na ipagpatuloy ang kanilang pananalasa.

Bagama’t may winning tradition ang Brazil at may home-field advantage, hindi sila ang paboritong manalo.

Sa Rio de Janeiro, mauunang magsagupa ang France at Germany.

Ang iba pang quarterfinals match na ilalaro nitong Sabado ay ang Argentina vs Belgium sa Brasilla at Netherlands vs Costa Rica sa Salvador.

 

vuukle comment

ANG BRAZIL

BAGAMA

BIYERNES

BRASILLA

COSTA RICA

FORTALEZA

HABANG

MAGSASAGUPA

SA RIO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with