^

PM Sports

PBA D-League foundation cup finals NLEX vs Blackwater finals

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipakikita ng Blackwater Sports Elite ang kakayahan na makadalawang sunod sa PBA D-League Foundation Cup sa pagbangga sa NLEX Road Warriors sa pagsisimula ng best-of-three Finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Naitakda ang pagtutuos ng Elite at Road Warriors nang kunin ng mga koponang ito ang 2-0 sweep sa mga nakaribal na Jumbo Plastic Giants at Cebuana Lhuillier Gems sa semifinals.

Sa ganap na ika-1:30 ng hapon ikinasa ang bakbakan at tiyak na magiging mahigpitan  ito dahil nais ng Elite na maidepensa ang hawak na titulo habang ang Road Warriors ay nagnanais na bumangon matapos walisin ng Blackwater noong nakaraang taon.

Dinurog ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang bataan ni coach Leo Isaac sa  naganap na pagtutuos sa elimination round, 102-84, pero naniniwala ang huli na ibang laro ang matutunghayan sa kanyang mga alipores.

“We’ve beaten them before in the Finals and I will just have to remind the players that scenario,” wika ni Isaac.

Sina Kevin Ferrer, Allan Mangahas at Narciso Llagas ang mga kamador na naiwan mula sa nakaraang taong team pero mas malalim ang puwersa ng Elite dahil sa pagpasok nina Jericho Cruz, Marvin Cruz, Reil Cervantes at ang beteranong si Gilbert Bulawan.

“Discipline will be the key for us. I am also counting on the confidence of the players so we can step up to the next level,” dagdag ni Isaac na ang koponan ay aakyat sa PBA matapos ang conference na ito.

Tulad ng katunggali, hangad din ng NLEX ang magkaroon ng magandang pamamaalam sa liga dahil tinanggap din ang koponan para makasama sa pro league.

Mas malalim din ang puwersa ngayon ng Road Warriors kumpara noong nakaraang taon dahil nasa kanila si Ola Adeogun para pamunuan ang pag-atake sa ilalim habang ang outside shooting ay ipinagkakatiwala kina Garvo Lanete, Kevin Alas, Ronald Pascual at Rome dela Rosa.

Ang makakauna sa serye ay maaaring ideklarang kampeon kung manalo uli sa Game Two sa Lunes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kung magkakaroon ng tabla, ang deciding Game three ay nakatakda sa Miyerkules sa Philsports Arena sa Pasig City.

 

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

BLACKWATER SPORTS ELITE

BOYET FERNANDEZ

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FINALS AND I

GAME TWO

GARVO LANETE

GILBERT BULAWAN

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with