^

PM Sports

Bradley kumpiyansang mananalo

Pang-masa

LOS ANGELES - Nagdaos ng isang media day workout si Timothy Bradley, Jr. sa Fortune Gym sa pamosong Sunset Boulevard.

Naging mabait ang undefeated Ame-rican bilang host kung saan sinagot niya ang bawat tanong sa kanya ng media.

Matapos ang pakikisalamuha sa media ay umakyat siya sa boxing ring, hinubad ang kanyang t-shirt at ipinakita ang maskulado niyang katawan.

Nagpapawis siya kasama si chief trainer Joel Garcia.

Nangako rin si Bradley na pababagsakin niya si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa pamamagitan ng left hook.

“I’m going to knock him out with the left hook,” sabi ni Bradley. “Not the right (hand) but the left hook. That’s what I’m going to knock him out with.” Bitbit ng tubong Indio, California ang ring record na 31 wins at 12 knockouts.

Naipanalo ni Bradley ang kanilang unang banggaan ni Pacquiao noong Hunyo ng 2012 at kahit na naniniwala siyang tinalo niya si Pacquiao ay nararamdaman pa rin niyang kailangan pa rin niya itong patunayan.

Sinabi ng WBO welterweight king na matindi ang ginawa niyang pagha-handa para sa kanilang rematch ni Pacquiao sa Abril 12 sa MGM Grand.

“This is everything to me. Everything I’ve worked hard for in boxing. This is everything to me,” wika ni Bradley.

Nasa kanyang pang-walong linggo na pagsasanay na si Bradley at idineklara niyang handang-handa na siyang muling labanan si Pacquiao.

Sabi ni Bradley, maaari siyang lumaban hanggang 12 rounds dahil mas matagal pa rito ang kanyang ginawang paghahanda. (AC)

vuukle comment

ABRIL

BRADLEY

EVERYTHING I

FORTUNE GYM

JOEL GARCIA

PACQUIAO

SUNSET BOULEVARD

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with