^

PM Sports

Palaban ang mga alaga ng Jade Bros. Farm

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang magbigay ng magandang laban ang mga kabayo mula sa kuwadra ng Jade Bros. Farm.

Ito ang tila ipinakita ng Jade Bros. Farm nang agawin ang liderato sa hanay ng mga horse owners matapos ang buwan ng Pebrero.

Nagtala ng siyam na panalo ang mga inilahok nilang kabayo para manguna sa talaan bitbit ang P2,668,103.20 kita. May kabuuang 19 panalo, 16 segundo, 8 tersero at 14 kuwarto puwesto ang mga ipinanlaban sa unang dalawang buwan sa taong 2014.

Ang lider matapos ang buwan ng Pebrero na si Aristeo Puyat ay bumaba sa ikalawang puwesto habang si Patrick Uy ay nanatili sa ikatlong puwesto.

Apat lamang ang pinalad na manalo sa mga kabayo ni Puyat para magkaroon na ng 17 panalo bukod pa sa pitong segundo, 17 tersero at 11 kuwarto puwesto tungo sa P2,288,466.82 premyo.

Si Uy na sa unang buwan ng taon ay kasalo ang Jade Bros. Farm na may tig-10 panalo ay humataw din ng pitong panalo pero di ito sapat para maalpasan si Puyat.

Magkatabla ngayon sina Uy at Puyat sa bilang ng panalo sa tig-17 habang may 4 segundo at tig-10 tersero at kuwarto puwesto ang una para sa kabuuang P2,019,905.58 kita.

Si Wilbert Tan ay umangat mula sa ikawalong puwesto tungo sa pang-apat tangan ang P1,587,017.84 (12-7-8-10).

May 11 iba pang horse owners ang nanalo na ng mahigit P2 milyon matapos ang dalawang buwan at ang nakapasok sa top ten ay sina Ruben Dimacuha na may P1,483,510.36 (9-9-4-2), Eduardo Gonzales na may P1,455,637.59 (11-6-8-9), Atty. Narciso Morales na may P1,370,884.17 (8-9-13-9), Sixto Esquivias IV na may P1,164,202.53 (6-7-12-12), SC Stockfarm na may P1,101,832.47 (8-6-5-4) at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na may P1,071,702.93 (5-10-2-3).

Sina Marlon Cunana (P1,066,245.61), Jecli Lapus (P1,065,584.52), Jun Almeda (P1,053,323.27), FB Reyes (P1,051,135.97) at EA Santos (P1,030,108.74) ang iba pang mga milyonaryo agad sa mga horse owners.

Tahimik pa ang kuwadra ng Horse Owner of the Year noong  nakaraang taon na si Herminio Esguerra dahil nalagay ito sa ika-25th puwesto bitbit pa lamang ang P765,688.08 (6-3-4-2) premyo. (AT)

vuukle comment

ARISTEO PUYAT

EDUARDO GONZALES

HERMINIO ESGUERRA

HORSE OWNER OF THE YEAR

JADE BROS

JECLI LAPUS

JUN ALMEDA

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

PUYAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with