^

PM Sports

6/55 draw tututukan ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiyak na tututok uli ang mga panatiko sa lotto sa draw na gagawin sa 6/55 Grand Lotto dahil sa inaasahang pagpalo ng jackpot prize sa mahigit na P130 milyon.

Lumusot ang P129,504,636.00 jackpot prize noong Miyerkules nang hindi tinamaan ang lumabas na kumbinasyon na 38-21-03-22-50-28.

Huling may naging milyonaryo sa 6/55 ay nangyari noon pang Nobyembre 16 nang tinamaan ang P30 milyon pot ng isang masuwerteng mananaya.

Isasabay din sa bolahan ngayong gabi ang 6/42 at mahigit anim na milyon ang premyong paglalabanan dito.

Hindi rin tinamaan ang P6M pot noong Huwebes sa lumabas na mga numerong 12-29-11-33-22-36. (AT)

vuukle comment

GRAND LOTTO

HULING

HUWEBES

ISASABAY

LUMUSOT

MILYON

MIYERKULES

NOBYEMBRE

TINAMAAN

TIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with