^

PM Sports

Thunder mas malakas kaysa sa Rockets

Pang-masa

HOUSTON – Umiskor si Kevin Durant ng 36 points at nagdagdag si Reggie Jackson ng 23 upang ihatid ang Oklahoma City Thunder sa 104-92 panalo kontra sa Houston Rockets sa NBA nitong Huwebes ng gabi.

Humataw ang Thunder sa third quarter para burahin ang 12-point deficit at itabla ang score papasok sa  fourth quarter

Nagsagutan ng basket ang magkabilang koponan hanggang sa kumana si Jackson ng five points sa 7-0 run na nagbigay sa Thunder ng 97-89 lead, 4-minuto na lang ang natitira sa laro

Umiskor ang Oklahoma City ng four quick points na tinapos ng fast break dunk ni Jackson para hatakin ang kanilang kalamangan sa 103-92.

Nagtala sina James Harden at Terrence Jones ng tig-16 points para sa Houston, na umiskor ng 19 se-cond-half points makaraang magposte ng season-high 73 points sa  first half.

Sa Indianapolis, nagposte si Lance Stephenson ng career-high 28 points, 4-rebounds at 4-assists nang pinangunahan niya ang Pacers sa kanilang  second-most lopsided win sa season sa kanilang 117-89 pa-nanalasa sa Knicks.

Sa London, sumulong ang Nets sa 3-0 win sa re-gular-season NBA game sa  British matapos ang 127-110 panalo kontra sa Atlanta Hawks sa pangunguna ni Joe Johnson na umiskor ng 267 sa kanyang kabuuang  29-points sa larong ginanap sa O2 Arena.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

JOE JOHNSON

KEVIN DURANT

LANCE STEPHENSON

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

POINTS

REGGIE JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with