^

PM Sports

Paul nagkaroon ng shoulder injury

Pang-masa

DALLAS -- Tatlo hanggang limang linggo ang iuupo ni Los Angeles Clippers guard Chris Paul matapos mabalian ng kanang balikat sa kanilang laro laban sa Dallas Mavericks.

Sinabi ni Clippers coach Doc Rivers na nagkahiwalay ang buto sa kanang balikat ni Paul na siya niyang shoo­ting arm.

Nauna nang inihayag ng koponan na isa lamang sprain ang nasabing injury ni Paul.

Napatid si Paul ni Mavericks guard Monta Ellis habang nagdidribol sa gitna ng isang screen.

Bumaligtad siya at hinawakan ang kanyang kanang balikat at nanatili sa sahig bago siya sinaklolohan ng kanilang mga trainers.

Matapos mahiga ng ilang minuto ay dumiretso si Paul sa locker room sa 6:43 minuto pa sa third quarter.

Umiskor si Paul ng 19 points sa first half at isinalpak ang lahat niyang limang tira sa 3-point range.

vuukle comment

BUMALIGTAD

CHRIS PAUL

DALLAS MAVERICKS

DOC RIVERS

LOS ANGELES CLIPPERS

MATAPOS

MONTA ELLIS

NAPATID

NAUNA

PAUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with