^

PM Sports

Raptors wagi sa Pacers

Pang-masa

TORONTO – Umiskor si DeMar DeRozan ng 26 points at nagdagdag si Kyle Lowry ng 13 points at season-high na 14 assists para tulungan ang Toronto Raptors sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa bisa ng 95-82 paggupo sa Indiana Pacers.

Tumipa si Terrence Ross ng 18 points, habang nagtala si Jonas Valanciunas ng 13 points at 9 rebounds sa pagpigil ng Raptors (15-15) sa five-game winning streak ng Pacers.

Ito ang pang-walong panalo ng Raptors sa kanilang huling 10 laro sapul noong Dis-yembre 13 kung kailan naglaro ang mga players na nakuha nila mula sa Sacramento sa Rudy Gay deal.

Nakamit ni Roy Hibbert ang kanyang ikaanim na foul at nagtapos na may 16 points at naglista si Paul George ng 12 sa panig ng Pacers, nagposte ng season-worst na 23 turnovers.

Naipanalo ng Indiana ang siyam sa kanilang 12 pagtatagpo ng Toronto, kasama dito ang apat na sunod sa Canada. Nagdagdag si Danny Granger ng 11 points para sa Indiana.

Sa Los Angeles, humugot si Blake Griffin ng 13 sa kanyang 31 points sa huling 7:05 at umiskor naman si Jared Dudley ng 11 sa kanyang 20 points sa third quarter para banderahan ang Clippers sa 112-85 panalo laban sa Bobcats.

Hinarap ni Dudley ang kanyang dating koponan na pumili sa kanya bilang first pick noong 2007 NBA draft at nagdala sa kanya sa Phoenix matapos ang isang season.

 

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

DANNY GRANGER

INDIANA PACERS

JARED DUDLEY

JONAS VALANCIUNAS

KYLE LOWRY

PAUL GEORGE

POINTS

ROY HIBBERT

RUDY GAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with