^

PM Sports

PHL Athletes hahataw na

Pang-masa

NAY PYI TAW – Hahataw na ngayon ang kampanya ng Team Philippines at malalaman ngayon ang tunay na kakayahan ng ating Pambansang koponan.

Matapos ang isang linggong kompetisyon, hindi makasabay ang mga Pinoy sa paghakot ng ginto ng host Myanmar na namamayagpag sa tuktok ng medal tally.

Pahinga ang mga laro kahapon para bigyang daan ang pormal na pagbubukas ng kompetisyon ng 27th Southeast Asian Games  sa Wunna Theikdi Stadium dito.

Bukod sa 11 events na tumatakbo na, magsisimula rin ang aksiyon sa chess, swimming at cycling ngayon at inaasahang makakapaghatid ng maraming medalya ang mga Pinoy athletes para umangat ang ranking sa medal tally.

Magsisimula na rin bukas ang lima pang sports disciplines bago isa-isang magbubukas ang siyam na event na may lahok ang Team Philippines.

Magtatapos ang kompetisyon sa Dec. 22.

Makaraang magdeliber ng tatlong gold ang mga wushu athletes, inaasahang makakakuha ng maraming medalya ang Pinas sa boxing.

Inalat naman ang mga shooters na tumapos ng all-time low na seventh place sa standings  nang malasin sina Emerito Concepcion, Jayson Valdez at Benny Cagurin sa 50m rifle prone.

Pinakamagandang ipinakita si Valdez sa individual side ngunit ang kanyang 610.4 total ay hindi sapat para mag-qualify ito sa final round.

Ang wrestling na inaasahang maka-2 golds ay nagkasya lamang sa silver medals mula kina two-time champions Jason Balabal at Margarito Angana.

vuukle comment

BENNY CAGURIN

BUKOD

EMERITO CONCEPCION

JASON BALABAL

JAYSON VALDEZ

MARGARITO ANGANA

PINOY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

WUNNA THEIKDI STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with