^

PM Sports

WarriorS pinapirma si Bogut ng contract extension

Pang-masa

Nilagdaan ni center Andrew Bogut ang isang three-year contract extension sa Golden State Warriors na maaaring magkahalaga ng $42 milyon, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Kung magiging maganda ang ipapakita ni Bogut bilang isang top-seven center sa NBA ay maaaring umabot siya sa bonus incentives na magbibigay sa kanya ng $42 milyon.

Idinisenyo nina David Bauman, ang agent ni Bogut at Warriors general manager Bob Myers ang kontrata para kay Bogut na magpapaluwag sa suweldo nito sa susunod na tatlong taon, ayon sa league source.

Si Bogut ay tatanggap ng higit sa $13 milyon sa 2014-15 bago ito bumaba sa $12 milyon sa 2015-16 at sa $11 milyon sa 2016-17. Matapos labanan ang kanyang mga injuries sa nakaraang mga taon ay dinala si Bogut sa Warriors noong Marso ng 2012 at naging mahalagang bahagi ng koponan.

Nagtungo si Bauman sa Bay Area para makumpleto ang negosasyon kay Bogut.

vuukle comment

BAUMAN

BAY AREA

BOB MYERS

BOGUT

DAVID BAUMAN

GOLDEN STATE WARRIORS

IDINISENYO

MARSO

MATAPOS

SI BOGUT

YAHOO SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with