^

PM Sports

Accel 3XVI NCAA Player of the week Saitanan mapagkakatiwalaan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinuklian ni Jessie Saitanan ang pagtitiwalang ibi-nibigay sa kanya ni Mapua mentor Fortunato ‘Atoy’ Co nang bitbitin niya sa 81-76 panalo ang koponan sa San Beda noong Lunes sa 89th NCAA men’s basketball.

Ang 6’5” center na si Saitanan ay naghatid ng 10 sunod na puntos sa huling apat na minuto ng labanan para makumpleto ng Cardinals ang pagbangon mula sa 53-64 iskor matapos ang ikatlong yugto.

Ang panalo ay tumapos sa mahigit na tatlong buwan kabiguan ng Mapua para ilista ang ikalawang panalo sa 16 labanan.

“Naia-apply ko lang ang mga itinuturo sa akin ni coach. Ito ang dahilan kung bakit ganon ang laro ko,” wika ni Saitanan na nagdiwang din ng kanyang ika-21 kaarawan noong Lunes.

“I’m really happy for him because he has been playing very well for us,” pahayag ni Co.

Sa ipinakita, si Saitanan ang siyang ginawaran bilang ACCEL 3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na handog din ng Gatorade.

May dalawa pang laro ang Cardinals laban sa Emilio Aguinaldo College at Lyceum at may kalalagyan ang mga koponang nabanggit kung hihigitan pa ni Saitanan ang ipinakikitang laro.

vuukle comment

ATOY

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FORTUNATO

GATORADE

JESSIE SAITANAN

MAPUA

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

SAITANAN

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with