^

PM Sports

P6.95M nakataya sa 14 karera

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumataginting na P6.95 milyon ang pag­lalabanan sa 14 na karera na magpapasigla sa 5th Ma­yor Ramon D. Bagat­sing Cup Sr. Memorial Cup ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tampok na karera ay ang dalawang Bagat­sing Cup na suporta­do ng Philippine Ra­cing Com­mission na nag­la­an ng P700,000.00 at P500,000.00 premyo, ha­bang ang pinakamalaking ka­rera ay ang Philippine Cha­­rity Sweepstakes Office (PCSO) National Grand Der­by na sinahu­gan ng P2 milyong prem­yo.

Ang iba pang malala­king karera ay ang tatlong Re­sorts World Manila Cup na naglaan ng tig-P500,000.00 premyo, PCSO Bagatsing Cup pa­ra sa Colts (Div. 1) at Fillies (Div. II) na may tig-P400,000.00 premyo at ang Belle Corporation & Pa­cific Online Cup at Solaire Resorts Cup na nagtaya ng tig-P400,000.00 premyo.

May mga trophy races ang Tiger Resort, EEG De­­velopment Corp. at ang Ca­sino Filipino na may P200,­000.00 na guaranteed prize at San Miguel Beer Cor­­poration na may P50,000.00 para sa mga ma­na­na­lo.

May P420,000.00 ang unang gantimpala sa Ba­gat­sing Cup Divison I o pa­ra sa mga edad apat na ta­on pa­taas at ang mga ina­­asahang palaban sa 1,750-metro dis­tansyang karera ay ang mga kaba­yong Money King (Pat Di­lema), Prime Rate (LT Cuadra Jr) at coupled entry na Penrith (JB Guce) at Jahan (MA Alvarez).

Hindi malayong magkasukatan naman ang mga ka­bayong Wait Ka Lang (CV Garganta), La Furia Roja (JB Hernandez) at King Samer (EM Raquel) sa Division II para sa mga Im­­ported horses.

vuukle comment

BAGAT

BAGATSING CUP

BELLE CORPORATION

CUADRA JR

CUP

CUP DIVISON I

CUP SR. MEMORIAL CUP

KING SAMER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with