^

PM Sports

Busilak Ang Puso nalo uli

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatikim uli ng panalo ang kabayong Busilak Ang Puso para sa magandang pagbubukas ng pangangarera sa buwan ng Agosto sa bagong race track na Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Si Dominador Borbe Jr. ang gumabay sa kabayo na tumakbo kasama ang coupled entry Security Classic sa 3YO Handicap race na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.

Hindi nagpadaig ang tambalan sa hamon ng Batang Craig at Cataleya upang manalo uli sa ra­cing club na huling nangyari noong Hunyo 29.

Dehado pa ang Busilak Ang Puso dahil umabot sa P23.50 ang ibinigay na dibidendo sa win habang P48.50 ang ipi­namahagi sa forecast.

Mga liyamadong kaba-yo ang nagsipagwagi kamakalawa sa bakuran ng Metro Manila Turf Club at nanguna ang It’s My Turn ni Jonathan Hernandez.

Huling nagwagi ang nasabing kabayo noon ding Hunyo 29 at sa pagkakataong ito ay hiniya ng kabayo ang hamon ng Senor Bon at mapangatawanan ang pagiging patok sa siyam na naglaban.

Bilang pinakapaboritong kabayo na nanalo, nagbigay ang dibidendo ng It’s My Turn ng P5.50 habang ang nadehadong 7-5 sa forecast ay mayroong P21.50 na ipinamahagi.

Babalik ang aksyon sa nasabing race track sa Linggo at tampok na karera ay ang Atty. Rodrigo Salud Race na ikaapat na yugto ng Imported/Local Challenge Series.

vuukle comment

BATANG CRAIG

BUSILAK ANG PUSO

HUNYO

JONATHAN HERNANDEZ

LOCAL CHALLENGE SERIES

METRO MANILA TURF CLUB

METRO TURF

MY TURN

RODRIGO SALUD RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with