^

PM Sports

Huling leg ng Triple Crown ngayon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itatakbo ngayon ang ikatlo at huling leg sa 2013 Philracom Triple Crown Championship at ang Spinning Ridge ay magtatangka na maging double leg win­ner na gagawin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmo­na, Cavite.

Si John Alvin Guce ang sasakay uli sa Spinning Ridge na dinomina ang 1,800-metro 2nd leg ng Triple Crown noong nakaraang buwan sa Santa Ana Park sa Na­ic, Cavite.

Walong iba pang kabayo ang magtatangkang pigilan ang second leg winning at itala ang pangalan sa mga kuminang sa premyadong karera para sa mga edad tatlong taong gulang na mga kabayo.

Ang Borj Kahlifa na pumangalawa sa huling Triple Crown ay inaasahang magiging palaban din sa 2,000-metro distansyang karera na magkakaloob ng P1.8 milyon mula sa P3 milyong premyo sa mananalo.

Si Jonathan Hernandez ang sasakay sa kabayong la­hok ni Hermie Esguerra para asahan na mas magi­ging palaban ang Borj Kahlifa.

Ang iba pang kasali ay ang Sky Dragon (AB Alca­sid Jr.), Boss Jadan (JB Ba­caycay), Alta’s Finest (MA Alvarez), Big Leg (JB Guce), Fourth Dan (RO Niu Jr.), Hot And Spi­cy (JT Zarate) at Jazz Con­nection (FM Raquel Jr.).

Bago ito, may 11 ka­bayo ang mag­hahabol ng panalo sa Hopeful Stakes race na paglalaba­nan sa 2,000-metro dis­tan­sya.

Mangunguna rito ang El Libertador na hindi pi­nalad na makaporma sa unang dalawang yugto ng Triple Crown.

Si Hernandez din ang sa­kay sa kabayong pag-a­ari ni Mandaluyong City Ma­yor Benhur Abalos at hanap nila ang panalo at mai­uwi ang P600,000.00 unang gantimpala sa karerang nilagyan ng P1 mil­yong premyo.

 

vuukle comment

ANG BORJ KAHLIFA

BENHUR ABALOS

BIG LEG

BORJ KAHLIFA

BOSS JADAN

CAVITE

SHY

SPINNING RIDGE

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with