^

PM Sports

Coach Brown magbabalik para sa Cavaliers

Pang-masa

CLEVELAND -- Muling magsasama sina coach Mike Brown at ang mga Cavaliers.

Pumayag si Brown, iginiya ang Cavs sa playoffs sa limang seasons mula noong 2005 hanggang 2010, para magbalik sa Cleveland.

Bagama’t hindi pa pumipirma ng kontrata, tiyak nang muling mamanduhan ni Brown ang Cavaliers para sa susunod na season.

“I’m happy for him,” wika ni LeBron James ng Mia­­mi Heat na naglaro para sa Cleveland sa ilalim ni Brown.

“Very happy for him. I think he’s a really good coach, very defensive-minded coach. It’ll be good for those young guys that they have,” dagdag pa nito.

Nagposte si Brown ng 272-138 at inakay ang Ca­va­liers sa playoffs sa limang sunod na seasons.

Sa pangunguna ni James, nakita ang Cleveland sa NBA Finals noong 2007.

Sinibak si Brown ni team owner Dan Gilbert matapos matalo ang Cavs sa Boston Celtics noong 2010 Eas­tern Conference semifinals.

Nagdesisyon naman si James na iwanan ang Cle­ve­land bilang isang free agent at lumipat sa Miami.

Isang season ang ginugol ni Brown bilang head coach ng Los Angeles Lakers.

Ngunit sa huling limang laro ng Lakers sa season ay pinatalsik siya ng koponan.

Pinatalsik naman ng Cavs si coach Byron Scott no­ong nakaraang linggo matapos ang pagkakasibak ng tropa sa huling tatlong seasons.

Isa sa mga dahilan ng pagtanggap ni Brown sa alok ng Cavaliers ay ang plano niyang ibalik ang kanyang pa­milya sa Cleveland.

Si Brown ay matalik na kaibigan ni Cavaliers gene­ral manager Chris Grant.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

BROWN

BYRON SCOTT

CHRIS GRANT

DAN GILBERT

LOS ANGELES LAKERS

MIKE BROWN

SHY

SI BROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with