^

PM Sports

Huling quarterfinals ticket pag-aagawan ng Perpetual Help at USCC sa V-League

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sasalang sa knockout game ang NCAA cham­pion Perpetual Help at CESAFI titlist University of San Carlos-Cebu sa pag­papatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 First Con­ference ngayong ha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananalo sa la­rong itinakda sa alas-2 ng ha­pon ang ma­kakasama ng walang talong National University, Adamson at Arel­lano sa quarterfinal round sa Group B.

May 0-2 karta ang La­dy Altas, habang 0-3 ang baraha ng Lady Warriors.

Huling laro ng Perpe­tual ay laban sa Adam­son sa Linggo, pero wa­lang say­say na ito kung ma­tata­lo sila sa Cebuano team da­­hil ang ‘winner-over-the-other’ rule ang ga­­gamitin pa­ra basagin sa­kaling mag­ka­roon ng two-way tie pa­ra sa ika­apat at huling pu­westo na aabante sa ligang inor­ganisa ng Sports Vi­sion ka­tuwang ang Sha­key’s.

Ang UST at Letran ang magtutuos sa tampok na laro sa alas-4 ng ha­pon at no-bearing na ito da­hil talsik na ang Lady Knights sa palarong may ayuda ng Accel at Mikasa.

Ang tinamong 17-25, 25-23, 23-25, 23-25, pag­katalo sa San Sebastian no­ong Martes ng hapon ang ikatlong sunod na ka­biguan ng Letran na nagsilbing tiket para mamahi­nga na.

Sakaling talunin nila ang UST (2-1), makakatabla ng Letran ang mata­ta­lo sa pagitan ng Lady Stags at La Salle Dasma­ri­ñas na maglalaban sa Ling­go.

vuukle comment

FIRST CON

GROUP B

LA SALLE DASMA

LADY KNIGHTS

LADY STAGS

LADY WARRIORS

LETRAN

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with