^

PM Sports

PBA D-League Foundation Cup Blackwater lider pa rin

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ng Blackwater Sports ang paghawak sa liderato habang sinungkit naman ng NLEX ang ikaapat na sunod na panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May double-double numero sina Justine Chua at Pari Llagas para sa Elite na kinailangan din ang suwerte sa endgame para kunin ang 85-83 panalo sa Big Chill.

Nakalayo na ang Elite sa 51-32, pero lumamya ang kanilang ipinakita sa huling yugto para maka-panakot sa dalawang puntos ang Superchargers.

May pagkakataon ang Superchargers na maitabla ang laban dahil sila ang may tangan sa bola sa huling 19.2 pero sumablay sina Terrence Romeo at Isaac Holsteins.

“Maganda ang puwesto naming ngayon pero hindi kami nagkukumpiyansa,” wika ni Blackwater coach Leo Isaac.

Si Chua ay mayroong 17 puntos at 13 boards habang si Llagas ay nagdagdag ng 16 at 10 puntos at rebounds. Dahil sa dominasyon ng dalawa, ang Elite ay may 50-39 bentahe sa rebounds.

Tumapos si Nico Salva bitbit ang 17 puntos habang 14 ang ibinigay ni Ronald Pascual upang itulak ang Road Warriors sa 85-79 panalo sa Cagayan Valley sa isang laro.

Pitong sunod na free throws ang ginawa ng NLEX bago natapos ang ikatlong yugto upang hawakan na ang momentum para umangat na sa ikaapat na puwesto sa 4-2 karta.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ISAAC HOLSTEINS

JUSTINE CHUA

LEO ISAAC

NICO SALVA

PARI LLAGAS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with