^

PM Sports

Agawan sa liderato

FMangonon - Pang-masa

MANILA, Philippines - Solo lead at makalapit sa isang twice-to-beat advantage sa quarterfinals ang paglalabanan ngayon ng co-leaders at sigurado na sa quarterfinals na Alaska at Rain or Shine sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap sa ikalawang pagkakataon ngayong conference ang Aces at Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi kung saan nais patunayan ng Alaska na hindi tsamba ang kanilang 83-81 na panalo sa Rain or Shine noong Feb. 9.

Sa larong iyon ay nagwagi ang Aces sa pamamagitan ng buzzer-beating lay-up ni Cyrus Baguio.

Sa alas-5:15 ng hapon ay ipaparada ng Petron Blaze ang pangatlong import nito sa conference sa katauhan ni Henry Sims, dating lumaro sa New Orleans Hornets sa NBA na masusubukan laban sa Meralco at sa leading sco-rer ng conference na si Eric  Dawson.

Parehong may 8-3 panalo-talo ang Alaska at Rain or Shine, isa’t kalahating laro ang abante sa pumapangatlong 6-4 ng Petron Blaze. Nasa pang-anim na puwesto ang Meralco sa 5-5 record nito pero tatabla sa pang-apat na puwesto kasama ng Barangay Ginebra (6-5) kung magwawagi sa Boosters at makakaganti sa 88-86 pagkatalo sa kanilang unang paghaharap noong Feb. 20.

Ang Elasto Painters ang pangalawang pinakamainit na koponan sa conference sa kanilang kasalukuyang three-game winning streak, sa likod lamang ng limang sunod na panalo ng Kings.

Nagwagi din ang Rain or Shine sa kanilang hu-ling tatlong laro sa pamamagitan ng average margin na 17.3 puntos, ang pinakahuling panalo nito ay laban sa Air21, 94-83 noong Linggo.

Ayon kay Rain or Shine head coach Yeng Guiao, sampung panalo umano ang kailangan para makakuha ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

“I think 10 is going to be the magic number for that twice-to-beat,” pahayag ni Guiao.

Samantala, sinuspindi ni PBA Commissioner Chito Salud si referee Jimmy Mariano dahil sa mga kuwestyunable nitong mga tawag sa 90-84 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa Air21 noong Miyerkules partikular na ang pagbigay ng pang-anim na foul kay Express import Michael Dunigan.

vuukle comment

ANG ELASTO PAINTERS

BARANGAY GINEBRA

COMMISSIONER CHITO SALUD

CYRUS BAGUIO

ELASTO PAINTERS

FEB

HENRY SIMS

JIMMY MARIANO

MERALCO

PETRON BLAZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with