^

PM Sports

Bryant posibleng makalaro laban sa Sacramento Kings

Pang-masa

LOS ANGELES -- Posibleng maglaro si Kobe Bryant sa pakikipagharap ng Los Angeles Lakers la­ban sa Sacramento Kings sa Sabado kahit na may bone spur sa kanyang kaliwang paa.

Ito ang inihayag ng Lakers sa kasalukuyang kon­disyon ni Bryant.

Nilisan ng pang-limang leading scorer sa NBA his­tory ang Bradley Center gamit ang saklay noong Hu­webes matapos ang 103-113 kabiguan ng Lakers sa Milwaukee Bucks.

Palagiang inirereklamo ni Bryant ang bone spur at naipagamot niya ito sa Sacramento noong Biyernes.

Ang naturang bone spur ay hindi bahagi ng sprained left ankle injury ni Bryant na nangyari sa At­lanta.

Hindi naman makakalaro si Lakers guard Steve Nash dahil sa pananakit ng kanyang kanang tadyang bu­kod pa sa kanyang hamstring injury.

Nasaktan ang two-time MVP point guard noong Lunes sa kanilang laro ng Golden State Warriors.

Apat sa kanilang huling limang laban ang naipatalo ng Los Angeles (37-36).

vuukle comment

BRADLEY CENTER

BRYANT

GOLDEN STATE WARRIORS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

MILWAUKEE BUCKS

SACRAMENTO KINGS

STEVE NASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with