^

PM Sports

PBA D-League Foundation Cup: Waves wagi sa OT

AT - Pang-masa

Laro Lunes (San Juan Arena)

12 p.m. – Fruitas vs Cebuana Lhuillier

2 p.m. – Hog’s Breath Café vs Big Chill

4 p.m. – Blackwater Sports vs Cagayan Valley

 

MANILA, Philippines - Sa pagkakataong ito ay nakitaan ng tikas ang Boracay Rum nang bumangon mula sa doble-pi-gurang pagkakalubog sa huling yugto ng laro tungo sa 93-85 pamamayagpag sa overtime laban sa Informatics sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagtulung-tulong sina Roider Cabrera, Toto Bandaying at Jeff  Viernes sa 8-0 bomba matapos huling itabla ni Jeric Teng ang iskor sa 83-all para  tuluyang hawakan ang momentum sa laro.

Umangat ang Waves sa 1-1 at nakabangon na mula sa masakit na 66-68 pagkatalo sa Cebuana Lhuillier noong Martes..

Lumayo ang Icons sa 66-55 sa pagbubukas ng hu-ling yugto ngunit naghatid si Cabrera ng 11 sa kanyang nangungunang 28 puntos sa nasabing quarter.

Si Viernes ay may 14 puntos at si Bandaying  ay nag-ambag ng 10, kasama ang panablang tres, 81-all, para umabot sa overtime ang laban.

Si Nate Matute at Teng ang nagdala sa laban ng Icons sa kanilang 25 at  20 puntos.

Kasama ng Waves na bumangon buhat sa pagka-talo sa opening day ay ang baguhang Jumbo Plastic na ginamit ang 26-9 run sa unang yugto tungo sa 81-55 tagumpay sa bagitong Hogs Breath Café.

Si Aljon Mariano ay gumawa ng 17 puntos habang sina Elliot Tan at Marvin Hayes ay nagdagdag ng 13 at 11. Ang beteranong si Hayes ay may nangu-ngunang anim na assists para bigyan ng liderato ang baguhang koponan.

“Excited sila sa first game pero ngayon ay nag-settle down na sila kaya nakapag-execute ng maayos,” wika ni Giants coach Stevenson Tiu.

Kinailangan naman ng Blackwater Sports ang magandang pagtutulungan ng apat niyang manla-laro para isantabi ang pinalakas na puwersa ng Café France, 86-80.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ELLIOT TAN

HOGS BREATH CAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with