^

PM Sports

Varejao naoperahan

Pang-masa

CLEVELAND – Inoperahan si Cavaliers center Anderson Varejao para ayusin ang naputol na muscle sa binti na magiging dahilan ng kanyang pagkawala ng inaasahang aabot sa dalawang buwan.

Naoperahan si  Varejao nitong Huwebes  sa The Cleveland Clinic. Sinabi ng team ng nagpapahinga ito ng maayos at mananatili sa clinic ng isang gabi.

Si Varejao, ang NBA leading rebounder, ay hindi nakakalaro sapul noong madisgrasya sa Toronto noong Dec. 18.

Noong una, ang akala ay maliit lang ang pinsala ngunit matapos ang masusing pagsusuri, nakitang may punit ang quadriceps muscle niya malapit sa kanang tuhod.

Inaasahang mawawala ito ng hindi bababa sa anim na linggo.

Si Varejao ay nag-miss na ng 100 games nitong huling tatlong seasons dahil sa injuries.

Si Varejao ay nag-a-average ng 14.1 points at 14.4 rebounds.

 

vuukle comment

ANDERSON VAREJAO

CLEVELAND CLINIC

HUWEBES

INAASAHANG

INOPERAHAN

NAOPERAHAN

NOONG

SI VAREJAO

SINABI

VAREJAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with