^

PM Sports

2 panalo kay Hernandez

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita agad ang husay ni jockey Jonathan Hernandez nang kunin ang dalawang stakes races na pinaglabanan kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Unang naipanalo ni Hernandez ang third choice lamang na Be Humble bago isinunod ang outstanding favorite na Cat’s Silver sa dalawang 2013 Philracom Mayor Nemesio S.Yabut Stake races na nagpasiklab sa horse racing na ginawa sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc.

Walong kabayo ang naglaban sa Yabut II at ang Boss Jaden ni Jonathan Bacaycay ang napaboran matapos manalo ng maraming Juvenile stakes races noong nakaraang taon.

Pero wala pa sa tamang kondisyon ang Boss Jaden at hindi nakaahon mula sa ikaapat na puwesto.

Ang Hot and Spicy ang unang nagdikta ng tiyempo sa 1,500m distansyang karera at nakasunod naman ang Alta’s Finest at Be Humble.

Ganito ang puwesto ng tatlo hanggang sa hu-ling liko nang kinargahan ni Rodeo Fernandez ang Alta’s Finest para kunin ang liderato.

Ngunit may itinatago pa ang Be Humble na mula sa labas ay humarurot at nanalo pa sa Alta’s Finest ng halos dalawang dipa sa meta.

Ang kabayong pag-aari ni RB Dimacuha at may lahing Quaker Ridge sa She’s No Princess, ay naorasan ng 1:34.8 sa kuwartos na 18, 25, 24, 27.

Pumangatlo ang Hot And Spicy bago tumawid ang Boss Jaden.

Isang karera matapos ito ay tumakbo ang Cat’s Silver at hindi nakasabay ang tatlong iba pang katunggali sa three-year old filly na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Sa pagbukas ng aparato ay agad na lumayo ang nanalong kabayo na anak ng Ultimate Goal sa Cat’s Golds.

Sinikap na sumabay ang Balbonic ni Val Dilema pero hanggang sa kalagitnaan ng 1,500m karera lamang tumagal ito bago tuluyang  lumayo ang Cat’s Silver na nanalo ng mahigit pitong dipa.

May 1:35.6 winning time ang Cat’s Silver sa kuwartos na 18, 24’, 25’ at 27’ habang ang Five Star ni JB Guce ang puma-ngalawa kasunod ng Balbonic at Blush Of Victory.

Halagang P300,000.00 mula sa P500,000.00 prize ang naiuwi ng Be Humble at Cat’s Silver.

vuukle comment

ALTA

ANG HOT AND SPICY

BALBONIC

BE HUMBLE

BLUSH OF VICTORY

BOSS JADEN

FIVE STAR

HOT AND SPICY

JONATHAN BACAYCAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with