^

PM Sports

Hagdang Bato pinakamahusay na kabayo ng 2012

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng Hagdang Bato ang kampanya sa 2012 bitbit ang P4.6 milyon mula sa dalawang stakes races na sinalihan sa buwan ng Disyembre.

Naunang nagdomina ang premyadong kabayo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Presidential Gold Cup noong Disyembre 9 na nagkahalaga ng P4 milyon bago tinapos ang taon bitbit ang dominanteng panalo sa Philracom Grand Derby Stakes Race noong Disyembre 29 para sa P600,000.00 premyo.

Sa kabuuan, ang kabayong  may lahing Quaker Ridge sa inahing Fire Down Under ay hindi natalo sa 11 takbo at  nagkamal ng halos P13.6 milyon.

Bukod sa Gold Cup,  dinomina rin ng Hagdang Bato ang prestihiyosong Triple Crown  upang matapos ang isang dekada sa paghihintay ng isang kabayo na dodominahin ang tatlong yugtong karera na  pinaglalabanan sa mga distansya na 1,600m, 1,750m at 2,000m.

Huling kabayo na nakawalis sa tatlong titulong pi­naglabanan ay ang Silver Story noon pang 2001.

Ang kabuuang kita na napanalunan ng Hagdang Bato ay malayung-malayo sa nakuha ng Magna Car­ta, ang pinakamahusay na kabayo noong 2011, na uma­­bot lamang ng mahigit P8 milyon.

Ang pagkakasungkit ng P500,000.00 nang puma­ngatlo sa Gold Cup ang magtutulak sa Magna Carta sa ikalawang puwesto.

Bago ang karerang ito, ang panlaban ni Michael Dragon Javier ay nasa ikatlo sa P3,750,658.39 premyo at  napag-iwanan lang ng bahagya ng Humble Riches sa P4,126,005.05.

Napahinga na ang Humble Riches sa buwan ng Disyembre.

 

vuukle comment

DISYEMBRE

DRAGON JAVIER

FIRE DOWN UNDER

GOLD CUP

HAGDANG BATO

HUMBLE RICHES

MAGNA CAR

MAGNA CARTA

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with