^

True Confessions

Suklam (93)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi ko alam na may asawa si Mara. Kung alam kong may asawa siya, iiwasan ko. Kailan ko lang nalaman na may asawa pala siya at naka­usap ko na siya ukol dun. Napahiya siya at siguro’y nakonsensiya dahil mula nun, hindi na siya nagpapakita ng motibo sa akin,’’ sabi ni Brent na walang gatol kay Vivian. Napamulagat naman si Vivian sa nalaman.

Nagpatuloy si Brent sa pagsasalita. Sinamantala na niya ang pagkakataon para pamukhaan si Vivian. Sasabihin na niya lahat.

“Ang isang maganda kay Mara, tumimo sa kanya ang mga sinabi ko. Alam kong nakapag-isip siya sa mga sinabi ko at palagay ko, hindi na siya magkaka­sala pa. Sabi ko pa sa kanya, kasuklam-suklam ang mga babaing naghahanap pa ng ibang lalaki gayung may asawa na. Kasuklam-suklam at napakarumi ng mga babaing naghahanap pa ng ibang lalaki.

“Alam mo Vivian, pinayuhan ko na si Julio noon na huwag ka nang tanggapin pa dahil ang sabi ko, ang isang babaing minsan nang nangalunya ay uulitin muli ang ginawa—manga­ngalunya muli. Sabi ko kay Julio, mag-isip siyang mabuti sa pagtanggap sa iyo.

“Pero ang sabi ni Julio, mahal­ ka raw niya. Humi­ngi ka raw ng tawad. Lumuhod ka pa raw sa harapan niya. At pi­na­tawad ka dahil alam niyang hindi mo na uulitin ang ginawang pakikipagtalik sa ibang lalaki—na hindi ka na maghahanap ng ibang lalaki.

“Alam mo kung bakit nasabi ko na ang isang babaing minsan nang na­ngalunya ay uulit muli? Ang halimbawa ko ay aking ina. Nangalunya siya at pinatawad ng aking ama. Pero inulit muli ng aking ina ang kasalanan. Pumatol uli siya sa ibang lalaki. Hindi na siya pinatawad ng aking ama—pinalayas na siya ng aking ama. Sabi ng aking ama, nagsisisi siya kung bakit tinanggap at pinatawad ang aking ina. Malaking pagkakamali ang ginawa niya.

“Ngayon kapag nala­man ng kaibigan kong si Julio na ang kanyang pinatawad na asawa ay nagha­hanap na naman ng bagong magpapaligaya sa kanya, ano kaya ang masasabi niya. Ano kaya ang magi­ging reaksiyon ng kaibigan kong si Julio kapag nalaman na gusto ng kanyang asawa na makipagtalik sa stockroom? Hindi kaya ma-shock si Julio?’’

“Tama na! Tama naaaa!’’ sabi ni Vivian at nagmamadaling umalis at lumabas sa stockroom.

Naiwan si Brent na nakangiti.

Umepekto marahil kay Vivian ang mga sinabi niya. Tumimo marahil ito sa utak ni Vivian.

Hindi na marahil siya kukulitin ni Vivian. (Itutuloy)

vuukle comment

MARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with