^

True Confessions

Suklam (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Kahit may nakita nang kakaiba ang panganay na anak na ginagawa ng kanyang ina, kasama ang ibang lalaki sa kuwarto, hindi niya ito masabi sa bunsong kapatid. Naisip niya, paano sasabihin sa kapatid ang na­kikitang ginagawa ng kanyang ina. Naguguluhan ang panganay na anak. Bakit may ibang lalaki ang kanyang ina? Bakit sa kuwarto nila nangyayari ang lahat? Bakit hindi ang kanyang tatay ang kasama ng kanyang nanay? Alam ba ito ng kanyang tatay? Bakit ganito ang nangyayari?

“Kung sasabihin naman niya sa bunsong kapatid ang mga nakita sa kuwarto, maintindihan kaya nito? Ma­unawaan kaya niya?

“Hanggang sa maisip ng pa­nganay na huwag nang sabihin kahit kanino ang na­kita. Itatago na lamang niya ang lahat. Wala siyang pagsasabihan kahit ka­nino. Ililihim niya ang mga nakita.

“Pero patuloy pa pala siyang makakakita ng mga hindi ma­gandang tanawin sa kanilang bahay. Hindi pa pala matatapos ang ginagawa ng kanyang nanay kasama ang hindi kila­lang lalaki.

“Isang kalaliman ng gabi, bumangon siya na ihing-ihi. Parang sasabog ang kanyang pantog. Marami kasi siyang nainom na tubig bago natulog kaya siya ihing-ihi. Mabuti na lang at hindi siya napaihi sa kama. Kung napaihi siya, tiyak na papaluin siya ng kanyang nanay. Minsang napaihi siya, pinalo siya ng kanyang nanay. “Ang laki-laki mo na, umiihi pa sa kama!’’ sabi nito.

Bumangon siya para umihi sa banyo. Nagmamadali pa siya, Madilim sa labas. Tahimik na tahimik. Deretso siya sa banyo. Pero bakit buhay ang ilaw sa banyo. May tao.

Bahagyang nakaawang ang pinto ng banyo. Sumilip siya.

Shock siya sa nakita.

Ang nanay niya at ang lalaki, nagtatalik sa banyo!

Napaatras siya. Hindi ma­la­man ang gagawin.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with