^

True Confessions

Dioscora (154)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ikaw ang kailangan ng kompanyang ito, Jose Crisanto,’’ sabi ni Mr, Simon Pedro o SP sa maliwanag na boses.

Hindi naman maka­pagsalita si JC. Parang nalulon niya ang kanyang dila sa mga sinabi ni SP. Hindi pa siya nagtatagal sa kompanya subalit may mga pahiwatig na si SP.

“Maraming nagpapa­tunay na kakaiba ang na­lalaman mo JC. Maski ang mga tauhan ko na matagal na ring naglilingkod dito ay pinahanga mo. Saan mo raw namana ang husay sa ganitong larangan.’’

“Hindi po kaya may mas marunong pa sa akin, Tatay SP.’’

Nagtawa si Tatay SP.

“Talagang humble ka Jose Crisanto. Isa rin ‘yan kaya hinahangaan kita—ma­pagkumbaba ka.’’

“Salamat po uli. Marami ka na pong papuri sa akin, Tatay SP.’’

“Hindi matatapos ang papuri ko dahil kapuri-puri ka. Dapat ka talagang purihin. At sa sinasabi mong baka mayroon pang higit na matalino sa’yo, wala na Jose Crisanto—nag-iisa ka.’’

Napangiti si JC.

Hanggang may maalala si JC.

“Tatay SP, gusto ko sanang marinig ang karugtong ng kuwento ng iyong anak.’’

“Ah oo nga pala. Nabitin nga pala ang pagkukuwento ko sa’yo. Mabuti at pinaalala mo.’’

“Nasasabik po ako sa kuwento ng anak mong si Nicodemus.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with