^

True Confessions

Kaibigan (222)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAKALIPAS ang isang linggo, tinawagan si Lara ng classmate na si Lorna. Nakausap na umano nito ang dating may-ari ng lupa na ngayon ay nasa Canada na.

“Lara wala raw tala­gang bukal sa lupa na binenta sa inyo. Ang dating may-ari mismo na si Kuya Manuel ang nakausap ko. Wala raw talagang bukal o balon diyan. Sa katu­na­yan ay magpapagawa raw sila ng bomba ng tubig noon pero gumastos lang sila sa paghuhukay e wa­lang nakitang tubig diyan. Malalim na taw ang nahu­kay ng mga trabahador pero walang nakitang tubig. Kaya nagtataka si Kuya Manuel kung bakit nag­karoon ng bukal. Imposible raw mangyari yun. At saka kung meron daw bukal e di sana sinabi sa inyo para hindi kayo magtaka. Tala­gang walang bukal sa lupang ‘yan, sabi ni Kuya Manuel.’’

“Lorna, sabihin mo kay Kuya, maraming salamat. Para kaming nakahukay ng ginto sa lupang binili namin­. Talagang hindi naming aka­lain na aapaw ang grasya sa amin. Walang pagka­ubos. Bu­mubukal talaga ang grasya.’’

“Oo, sasabihin ko sa kanya Lara.’’

“Kung magbabakasyon sila, pumunta rito sa resort para makita nila ang bumu­bukal na grasya.’’

“Sige Lara at sasabihin ko. Tiyak na pupunta sila diyan. Salamat Lara. At sana bumukal pa ang grasya sa inyo ni Dex.’’

“Salamat Lorna.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Sinabi ni Lara kay Dex ang mga ibinalita ni Lorna ukol sa lupa.

“Wala raw talagang bukal dito sa lupang ito Dex. Mismong ang may-ari ang nagsabi. Wala raw talagang tubig dito.’’

“Nakakagilalas talaga itong nangyari sa atin Lara.’’

“Oo nga Dex. Hindi ko rin talaga maisip kung pa­ano nangyari ‘yun.’’

“Magkaganunman, sa­lamat nang marami sa hindi maubus-ubos na biyayang bumuhos sa atin. Salamat sa Diyos.’’

“Salamat Lord,’’ sabi ni Lara.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with