^

True Confessions

Kaibigan (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
Kaibigan (62)

“Asawa ‘yun ng matalik kong kaibigan, ano ka ba?’’ sabi ni Dex kay Tess. Noon pa halata na ni Dex na may gusto sa kanya si Tess. Malagkit ito kung tumingin sa kanya.

“Nasan na si Lara ngayon?’’

“Nasa probinsiya na nga—sa Laguna.’’

“Bakit nga pala bigla-bigla ang pagdedesisyon niyang mag-resign dito sa kompanya natin? Yung iba hirap na hirap mag­hanap ng trabaho tapos siya biglang nag-resign.’’

“E ‘yun ang gusto niya at saka masyadong nalungkot­ sa pagkamatay ng asawa. Nagdesisyon na umuwi na lang ng probinsiya.’’

“Maganda siya ano, Dex. Tingin ko nga e ma­ayos ang buhay—mukhang maykaya ang pamilya.’’

“Oo maykaya ang pa­milya nila sa Laguna. Mataas ang pinag-aralan ni Lara di ba? Nakita mo naman ang resume niya nung nag-aplay dito.’’

‘‘Sino ang maganda sa amin ni Lara?’’

“Ano ba namang tanong ‘yan?’’

“Sige na sagutin mo ako, sino ang maganda sa amin?’’

Nakipagbolahan si Dex.

‘‘Siyempre ikaw!’’

“Talaga?’’

‘‘Oo.’’

“Pero mas malaki ang boobsie niya ano?’’

“Ano bang tanong ‘yan?’’

‘‘Mas malaki nga ang boobsie niya kaysa sa akin. Napagmasdan ko nung mag­kasama kami rito. Type mo bang malaki ang boobsie, Dex?’’

Hindi sumagot si Dex. Parang naaasiwa na siya. Baka may makarinig e nakakahiya.

“Hoy sagutin mo ako! Type mo ba ang malaki ang boobsie o katamtaman lang?’’

“Katamtaman lang siyempre.’’

‘‘Tulad sa akin?’’

Hindi sumagot si Dex.

‘‘Kailan mo ba ako liligawan, Dex?’’

‘‘Ha? A e, iisipin ko pa.’’

‘‘Ba’t mag-iisip ka pa?’’

(Itutuloy)

LARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with