Alupihan (194)
Hiyang-hiya si Hani dahil pinagsisilbihan siya ni Cris. Pati pagkain ay dinadalhan siya sa kinauupuang sopa. Ito pa rin ang nagluto ng pagkain na dinala sa kanya.
“Tamang-tama na mainit ang sabaw ng nila-gang baka. Humigop ka ng sabaw, Hani para lumakas ka at nang madaling gu-maling ang pamamaga ng paa mo,” sabi ni Cris at ibinaba sa center table ang tray na may kanin, ulam at tubig.
“Salamat uli Kuya. Mukhang masarap ang nilaga sa amoy pa lang.’’
“Oo masarap ‘yan. ‘Yung karneng baka ay galing pang Mindoro kaya malasa at masarap ang sabaw. Malambot din ang karne.’’
Kumutsara ng sabaw si Hani. Hinigop.
“Ang sarap nga Kuya.’’
“Sabi ko nga sa’yo.’’
“Kumain ka na rin Kuya. Sabay na tayo.’’
“Sige at kukuha ako ng pagkain ko para sabay tayo.’’
Kumuha ng pagkain niya si Cris at sabay silang kuma-in. Magkatabi sila sa sopa.
‘‘Gusto mo ng sawsawan na patis na may kalamansi, Hani?’’
“Sige Kuya.’’
“Sandali at kukuha ako.’’
Nang bumalik si Cris ay dala na ang platito na may patis.
“Lalo akong ginagana-han Kuya ‘pag may patis.’’
“Sige kain pa. Marami pang kanin at nilaga.’’
“Masarap ka palang magluto Kuya.’’
“Tsamba lang.’’
“Kakahiya talaga sa’yo Kuya. Dahil dito sa sumakit kong paa e naabala tuloy kita.’’
“Wala ‘yun. Napakaliit na bagay, Hani.’’
“Hayaan mo at makakaganti rin ako sa’yo Kuya.’’
“Huwag mong intindihin ‘yun.’’
‘‘Ang bait mo talaga Kuya.’’
“Salamat.’’
Kinabukasan, naila-lakad na ni Hani ang kanyang kanang paa. Wala na ang pamamaga at pananakit.
‘‘Kuya magaling na ang paa ko. Nailalakad ko na.’’
“Mabuti naman. Naaawa nga ako sa’yo.’’
‘‘Pero hindi pa ako papasok. Dito na lang muna ako sa bahay at baka mamaga uli.’’
“Aba oo. Baka mayapakan uli yan!’’
“Hindi na ako makikipag-agawan sa pagsakay sa dyip Kuya, he-he-he!’’ (Itutuloy)
- Latest