^

True Confessions

Ahas sa Garden(390)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AHAS? May ahas sa gulayan?’’ Tanong ni Alexis na punumpuno ng pagtataka.

“Opo. Muntik ko na nga pong matapakan.’’

“Gaano kalaki ang ahas?’’

“Mga kasinglaki po ng braso ng sanggol. Kulay itim po.”

“Ah ahas na tulug-tulu­gin iyon.’’

“Sabi nga po ni Nina ay ahas-tulog ‘yun,’’

“Hindi iyon nangangagat at saka wala ring kamandag.’’

“Pero kahit po hindi nangangagat ay nakakatakot din. Nagsisigaw nga po ako nang makita ko sa ilalim ng punong talong.’’

“Baka mayroong hinahabol na palaka o daga. Ku­makain kasi yun ng pa­laka at daga at pati mga tabidle.’’

“Ano pong tabidle?’’

“’Yung maliliit na uri ng bayawak.’’

“Ah.’’

“Liban dun sa ahas e wala na bang ibang problema, Nicole.’’

“Wala na po.’’

“Okey naman ang pag-aaral mo?’’

“Wala pong problema. Baka nga po pala maka­sama ako sa Dean’s list. Malalaman ko bukas kung kabilang ako.’’

“Wow ang galing!’’

“Salamat po.’’

“E ‘di tamang-tama na regalo ko sa’yo itong backpack. Bagay siguro sa’yo ito. I-try mo nga.’’

Kinuha ni Nicole ang back­­­pack at inilagay sa likod.

“Tamang-tama ah!’’

“Salamat po. Ang ganda!’’

“Okey naman sa’yo ang kulay?’’

“Opo. Ganito nga po ang gusto kong kulay.’’

“Hindi ka na mahihirapang magbitbit ng libro, note­­book at payong.’’

“Oo nga po. Pati baon kong meryenda ay mailala­lagay ko rito.’’

Pagkuwa’t pinagmas­dan­ ni Alexis ang kabuuan ng salas.

“Malinis na malinis ang salas ah. Kailan mo ito nili­nisan?’’

“Ngayon po. Pero sa loob ng isang linggo e tatlong beses akong nagpunta rito.’’

“Ibig mong sabihin nung isang linggong wala ako rito e tatlong beses kang nagpunta rito at naglinis?’’

“Opo. Nilabhan ko na rin ang maruruming damit. Nasa cabinet na po ang mga damit. Plantsado na.’

“Aba e kulang pa pala itong pasalubong kong back­pack sa rami ng ginawa mo.’’

Napangiti si Nicole.

“Tama na po ito.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(390)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with