Ahas sa garden (314)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

KINABUKASAN, eksak­tong­ alas dose ng tanghali nagtungo si Brenda sa restaurant na usapan nila ni George. Naroon na si George. Ito pa ang tumawag sa kanya. Nasa may pangdalawang mesa si George at may pagkain nang inorder.

“Kanina pa ako. Umorder na ako para pagdating mo tsitsibog ka na lang. Type mo ba ang fried chicken at chopsuey?’’

“Oo. Puwede na ‘yan.’’

“Umorder din ako ng shanghai at saka corn soup. Baka meron ka pang gustong orderin, sabihin mo lang. Coke gusto mo?’’

“Hindi ako nagso-softdrink.’’

“Kaya pala slim ka.’’

“Huwag mo na akong bolahin.’’

“Kumain ka na. Kapag busog ka na, saka mo sabihin kung payag ka na. Pero palagay ko, papayag ka dahil narito ka.’’

“Oo payag na ako. Ano bang gagawin ko para masimulan na.’’

“Kumain ka muna.’’

Kumain si Brenda. Gutom na nga siya.

Nilantakan niya ang fried rice at fried chicken. Ilang beses na siyang nakakain sa restaurant na ito. Ito ang pinakamalapit na restaurant sa inuupahan niyang kuwarto. Pero mula nang masimot ang pera niya, nagtiis na lang siya sa nabibiling sandwich sa convenient store sa kanto.

“Sige kain pa, Bren.’’

“Sabihin mo na kung ano ang gagawin ko. Saan ako magdedeliber ng ecs­tacy?”

“Sa isang condo sa Malate. Mga estudyante ang dedeliberan mo. Gabi ka pupunta roon? Nasa fifth floor ang mga parukyano.’’

Nakikinig si Brenda. Ito na ang simula ng bago niyang trabaho.

“Paano ang bayad?’’

“Ibibigay ko na sa’yo ngayon ang kalahati. Ka­pag nadeliber mo na, saka yung kalahati. Dito na rin tayo magkita.’’

“Okey.” (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with