^

True Confessions

Ahas sa Garden(73)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BIGLANG inalis ni Brenda ang pagkakatuon sa “umbok” sa harapan ni Alexis at nagpaalam na.

“Sige Alexis, magpa­galing ka muna at saka magtrabaho.’’

“Pero kaya ko na Mam Brenda. Wala na ngang sakit.’

“Huwag ka munang magtrabaho. Hayaan mo na lang si Manang na maglinis ng swimming pool. Kayang-kaya naman niya ‘yun. Pagdating ni Babe sasabihin ko na napilay ka.’’

Tumango na lamang si Alexis.

Lumabas na si Brenda.

Lingid kay Brenda, nakasubaybay pala si Ma­nang. Kanina pa pala ito nagmamatyag habang nasa kuwarto ni Alexis si Brenda.

Masama ang kutob ni Manang. Sa palagay niya, nagkatikiman na ang da­lawa. Bakit napakatagal ni Brenda sa loob? Talagang ubod ng kati ang babaing ito?

Nang makaakyat sa Brenda, pinuntahan ni Ma­nang si Alexis.

Unang katok pa lamang niya ay binuksan agad ni Alexis. Akala siguro ay nagbalik si Brenda.

“May nangyari sa inyo ni Brenda ano? Nakita kong galing dito ang malandi! Nagtagal dito!’’

“Wala Manang. Kung anu-ano na naman ang naiisip mo. Pati ako nadadamay na.’’

“Para sa iyo rin ang gi­nagawa ko. Sagutin mo ako, nagka­tikiman kayo ano?’’

Nagtawa si Alexis.

“Anong nagkatikiman? Tiningnan lang niya itong paa ko. Mabuti na lang at napahiran ko ng langis ng niyog kaya nagmukhang namamaga. Kung  hindi ko nagawa ‘yun, baka nabuking na ako.’’

“Nagsasabi ka ng totoo?’’

“Oo.’’

“Naniwala naman na talagang natapilok ka.’’

“Siguro. Siyanga pala, ikaw daw ang maglilinis ng swimming pool.’’

“Buwisit talaga ang babaing yun!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(73)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with