Sa Piling ng Kalapati(82)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

“HINDI ko malilimutan ang bakasyon natin sa Bangkok, Ruth. Napasaya mo ako,” sabi ni Mommy Donna nang makarating sila sa bahay.

“Marami pang kasunod Mommy. Gugulatin na lang kita.’’

“Lagi mo naman akong sinusorpresa. Hindi tuloy ako makapaghanda, he-he!’’

“Basta sosorpresahin kita lagi.’’

“Sa Hong Kong punta tayo ha?’’

“Oo. Basta hintayin mo ang go signal ko.’’

“Ang bait talaga ng anak ko. Suwerte talaga ako sa’yo.’’

“Basta lahart nang ikaliligaya mo, gagawin ko. Gusto kong mabayaran ang mga ginawa mo sa aking­ kabutihan lalo na ang pagkupkop mo sa akin.’’

“Paano kapag nag-asawa ka na e di wala nang abroad-abroad?’’

“Matagal pa ang pag-aasawang yun. Ni wala pa nga akong siyota paano mag-aasawa?’’

“Wala bang nanliligaw sa’yo? Ang ganda-ganda mo ah.’’

“Walang magkamali, Mommy, he-he!’’

“Sabagay bata ka pa na­man. Magpakasawa ka muna sa pagkadalaga. Ma­dali lang namang mag-asawa.’’

“Kapag natupad ko na ang mga pangako sa’yo saka pa lamang ako magbabalak mag-asawa – kung may magkakamali sa akin.’’

“Napakabait mo anak. Talagang napakasu­werte ko sa’yo. Yung mga dinanas kong kabiguan e napalitan ng mga ginagawa mo. I love you anak.”

Niyakap ni Mommy Donna si Ruth.

ISANG gabing duma­ting si Ruth, mayroon na naman siyang sorpresa para kay Mommy Donna.

“Ano ‘yan, Ruth?’’

“Laptop. Regalo ko sa’yo. Di ba birthday mo bukas?”

Napanganga si Ruth.

Birthday nga niya. Hindi pala ito nalilimutan ni Ruth.

“Kapag wala kang ginagawa, mag-FB ka. Nakakaalis ng inip ang pag-FB.’’

“Salamat Ruth.’’

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with