^

True Confessions

Nunal (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PERO mag-ingat ka lang at baka may matapakan kang kobra,” paalala ni Anto kay Robert. “Kapag ganitong panahon ng anihan ay lumalabas ang mga kobra sa kanilang lungga at nanghuhuli ng daga.’’

“Oo, Anto, salamat sa paalala.’’

“Sandali lang naman ako sa DENR. Mayroon ka bang ipabibili.’’

“Ay oo nga pala. Mabuti at naalala mo, Anto. Pakibili mo ako ng toothpaste at sabon at bumili ka na rin ng anumang gusto mo,’’ sabi at dinukot ang wallet. Kumuha ng P2,000. “Eto ang pera Anto, ibili mo lahat kung anuman ang kaila­ngan natin dito sa bahay.’’

“Aba e napakalaki naman nito, Robert.”

“Bahala ka nang bumili, Anto. Kahit anong gusto mo.’’

“Sige, pero ang dami nito.’’

“Bumili ka ng iinumin natin, Anto. Mamaya pagdating mo e shot-shot tayo. Umiinom ka ba Anto?’’

“Oo. Ang madalas kong inumin ay tuba.”

“Bumili ka ng imported. Para medyo masarap ang ating pag-iinuman.’’

“E di bibili na rin ako ng karneng baboy na iihawin natin. Ano sa pala­gay mo Robert.’’

“Aba oo, sige. Masarap ang inihaw na baboy sa imported. E di dagdagan mo pa ang dalang pera,” sabi at dumukot muli si Robert sa wallet. Kumuha pa ng P1,000 at binigay kay Anto. “Mabuti na ang sobra ang dala mong pera.’’

“Ang dami na nitong dala ko.’’

“Sige lang Anto.’’

“Aalis na ako para makabalik agad.’’

Nang makaalis si Anto ay namasyal naman sa paligid-ligid si Robert. Napagawi siya sa may niyugan at sa­gingan. Maraming bunga ang niyog at saging. Nang pumasok siya sa loob ng sagingan, may mga tanim pa palang kape at cacao doon. Masipag si Anto.

Hanggang sa mapalayo siya sa bahay. Nakakalibang ang pamamasyal dahil malilim.

Hanggang sa makara­ting siya sa may tabing ilog. Iyon daw ang Ilog Pola. Malinis ang tubig. Halatang hindi polluted. Kulay green ang tubig na parang masarap paliguan.

Lumakad pa siya papalapit sa pampang ng ilog.

Hanggang sa makari­nig siya na may nag-uusap. At may narinig siyang tila nagsasabuyan ng tubig.

Nang silipin niya, dalawang babaing hubad ang nakita niya. Nakatalikod ang dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with