^

True Confessions

Damo sa Pilapil(110)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HALOS hindi natulog si Zac dahil sa pagbabantay kay Dulce. Madalas niyang inaalam ang kalagayan nito. Kaunting kilos sa higaan ni Dulce ay nakabalikwas siya at ino­obserbahan ang asawa­. Halos paumaga na siya nang makatulog.

Kinabukasan, naunahan siya ni Dulce sa paggising. Nakatunghay ito sa kanya.

“Love, wala na ang sakit ng ulo ko, thanks sa pag-intindi mo.’’

“Nag-aalala ako sa’yo kagabi. Mabuti na lang at tuluy-tuloy ang tulog mo.’’

“Nakabuti sa akin ang masarap na chicken soup. Kumalma ang nararamdaman kong sakit. Na­wala yung pagtibok-tibok ng ugat sa sentido ko at batok.’’

“Napansin ko nga.’’

“Pero ikaw naman ang hindi nakatulog. Kawawa ka naman.’’

“Okey lang yun. Basta ang mahalaga sa akin, e maayos ang kalagayan mo. Mas nag-aalala ako kapag mayroon kang masamang nararamdaman.’’

Hinalikan ni Dulce si Zac.

“I love you. Salamat sa lahat.’’

Ginantihan ni Zac ng halik ang asawa.

“I love you too. Walang hanggan, Love.’’

Isinubsob ni Dulce ang mukha sa dibdib ni Zac.

MINSAN namasyal sila sa isang mall. Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad. Katatapos lamang nilang maghapunan at balak manood ng sine.

Nang pasakay na sila sa escalator may napansin si Dulce.

“Love, tingnan mo ang family na yun ang saya nila ano. Cute ang anak nila.’’

Napatango lang si Zac.

“Gusto mo Love, mag-ampon tayo?’’

Pinisil ni Zac ang braso ng asawa.

“Huwag na. Baka bigyan lang tayo ng problema kapag nag-ampon. Ikaw ay sapat na sa akin…’’

Napangiti na lang si Dulce.

Hinawakan naman siya nang mahigpit ni Zac sa braso nang sasakay na sila sa escalator.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with