^

Damo sa Pilapil (12)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2017 - 12:00am

Naghanap ng walis tambo at dust pan si Za­charias at winalis ang alikabok sa kuwarto. Kahit na nasa basement ay marami siyang nakuhang alikabok. Pinakarami sa ilalim ng spring bed at cabinet ng damit na may nakapatong na ma­liit na electric fan. Inilabas muna niya ang isang kahon na nang buksan niya ay mga libro pala ang laman. Ito kaya ang gustong ipatapon ni Mam Dulce? Sayang naman. Baka mapakinabang niya kapag nag-aaral na siya. Isa pang kahon ang inilabas niya na may laman na iba’t ibang abubot at mga lumang damit na ang ilan ay madidilaw na dahil sa kalumaan. Baka iyon ang puwede nang itapon.

Makaraang walisin ang alikabok, basahan naman­ ang hinanap niya. Ang lumang damit sa kahon ang ginawa niyang basahang pamunas. Kumuha siya ng tubig sa banyo at binasa ang basahan.

Pinunasan niya ang suwelo, dingding, cabinet ng damit, mesang plastic at ang silya. Isinunod niya ang spring bed. Halatang bago pa ang spring bed dahil matigas pa ang mga spring nang upuan niya. May katamtamang kapal ng kutson iyon. Walang balot ang kutson.

Isinunod niyang punasan ang electric fan. Pagkatapos ay tinesting niya kung gumagana. Umikot. Malakas. Pinatay niya.

Pinunasan din niya ang pinto.

Nang matapos ang pag­pupunas sa lahat nang bahagi ng kuwarto ay ang laman ng kahon ang inasikaso niya. Pinili niya ang mga libro na maa­aring makatulong sa kanyang pag-aaral at saka pinatong iyon sa mesa. May 10 libro ang naisalba niya.

Pinapasadahan uli niya ng punas ang suwelo nang dumating si Mam Dulceamor.

“Tapos na? Ang bilis mo naman, Zac! At ang linis ng kuwarto.’’

“Kayang-kaya pong lini­sin dahil maliit lang naman. Inilabas ko po ang mga kahon. Itinabi ko po ang ilang libro.’’

“Okey. Puwede nang itapon ang laman ng kahon.’’

“Opo Mam.’’

“Kapag natapos ka na, kumain ka muna. May pagkain sa kitchen. Bahala ka na Zac, okey?’’

“Opo Mam.’’

(Itutuloy)

 

DAMO SA PILAPIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with