^

Black Widow (114)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2015 - 9:00am

“TOTOO bang ma­hal mo ako Jose?’’ tanong ni Marie habang magkahawak ng kamay na namamasyal sa mall. Tila wala silang kapa­guran sa paglalakad at parang sila lamang ang nasa mall.

“Oo. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na mahal kita.’’

“Gusto ko paulit-ulitin mo.’’

“Mahal kita, mahal kita, mahal kita, mahal kita, mahal kita…”

Napahagikgik si Marie.

“Tama na Mang Jose at baka may makarinig ay isiping baliw ka.’’

“Nabaliw dahil sa pag-ibig sa’yo.’’

“Basta ituloy natin ang plano na civil wedding na lang tayo.’’

“Ikaw ang masusunod.’’

“Sa linggo pumunta ka sa bahay subukan nating ipagtapat kay Pau ang ating relasyon. Pagkatapos sa sunod na Sunday ay ako naman ang isama mo sa inyo para maipagtapat natin kay Iya.’’

“Ayaw mong magtungo tayo sa Tagaytay para dun natin ipagtapat sa kanila?’’

“After na lang na maipagtapat natin. Para celebration na rin natin.’’

“Aprub! Darating ako sa Linggo.’’

“Sana naman hindi tumutol ang anak ko.’’

“Mauunawaan tayo ni Pau, malakas ang kutob ko.’’

LINGGO. Alas nuwebe ng umaga ay dumating si Jose kina Marie. May dalang maraming pagkain si Jose. Handa na silang ipagtapat kay Pau ang kanilang relasyon. Kabisado na ni Marie ang sasabihin kay Pau.

Subalit hindi nila nagawa ang planong iyon sapagkat big-lang dumating si Jam.

Gulat na gulat ang dalawa. Hindi nila ina­asahan ang pagda-ting ni Jam.

“Nasorpresa  ko ka­yong dalawa ano?” sabi ni Jam na parang tuwang-tuwa.

Hindi malaman ni Marie kung ano ang gagawin. Nasorpresa talaga siya! (Itutuloy)

ACIRC ANG APRUB AYAW GULAT HANDA IKAW ILANG ITUTULOY MANG JOSE NASORPRESA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with