_ngayon
^

Black Widow (109)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2015 - 9:00am

PINIGIL ni Marie ang sarili na mainis kay Jose. Bakit ba siya ma­iinis e wala naman silang relasyon sa isa’t isa. Niyaya nga lang siya para sa isang dinner. Cool lang dapat siya kahit nakakainis.

‘‘Sorry Marie!’’ sabi nito sa kanya nang abutan sa labas ng res­tau­rant na usapan nilang magkikita.

‘‘Akala ko kasi hindi ka na darating. Almost one and a half hour na ako rito.’’

“Sorry. Halika uli sa loob at dun ko ipaliliwanag kung bakit.’’

Hindi na nagpakipot si Marie.

Bumalik sila sa loob.

Sa ibang puwesto ng mesa na sila naupo. Ang dating inupuan ni Marie ay okupado na.

Lumapit ang baba­ing crew at iniabot ang listahan ng menu sa kanila.

“Pili ka na. Masarap dito ang fried chicken nila. Try natin. Best daw talaga,’’ sabi ni Jose.

Hindi nagsasalita si Marie. Hinayaan niya na si Jose ang pumili ng kanilang kakainin. Pinilit niyang alisin ang inis dahil sa matagal na paghihintay.

‘‘Okey ba sa’yo ang fried chicken, Marie? Pa­lagay ko magugustuhan mo kasi masarap ang sukang sawsawan. Ang fried rice okey ba sa’yo.’’

Tumango si Marie.

“Ano pang gusto mo?’’

‘‘Okey na sa akin ang fried chicken.’’

‘‘Drinks?’’

“Pineapple.’’

Sinenyasan ni Jose ang crew. Nang lumapit, sinabi niya rito ang order. Nang makaalis ang crew, nagpaliwanag si Jose kung bakit late.

“Actually patungo na ako rito kanina. Palabas na ang kotse ko sa gate ng kompanya nang salubungin ako ni Jam. E di huminto ako. Sabi ni Jam ang sakit daw ng ulo niya. Parang binibiyak. Nahihilo raw siya. Migraine attack. Baka raw puwede ko siyang ihatid sa bahay niya sa Dapitan. E paano naman ako makakatanggi. Kakaawa naman dahil nahihilo. Baka kung ano ang mangyari. Pinasakay ko siya.

“Grabeng trapik pa­tungong Dapitan. Wa­la naman akong ma­gawa. Habang tumatakbo ang sasakyan ay nag­kukuwento si Jam. Ako naman ay na­kikinig lang. Kung anu-ano ang ikinukuwento. Nagduda nga ako kung masakit ang ulo niya.

“Nang makarating kami sa bahay niya sa Dapitan, pinilit niya akong bumaba muna. Maaga pa raw naman…”

(Itutuloy)

ACIRC AKO ANG ANO BAKIT DAPITAN MARIE NANG NIYA SHY SORRY MARIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with