^

True Confessions

Black Widow (24)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG ka ngang umakto nang ganyan, Jam at hindi bagay sa’yo,” sabi ni Marie makaraang magbanta ang kaibigan na gagantihan ang asa­wa nito dahil sa ginawang pambababae. “Palalakihin mo lang lalo ang problema at sa dakong huli, ikaw ang talo dahil babae ka. Yung asawa mo, walang mawawala run dahil lalaki ‘yun, sa iyo malaki -- masisira ang pagkatao mo.’’

Napahinga nang malalim si Jam.

‘‘Umayos ka, Jam. Huwag mo nang dagdagan ang problema. Mali ang naisip mong gantihan ang iyong asawa. Huwag na huwag!’’

“Para lang maramdaman niya ang sakit ng isang niloko. Siguro naman kapag nalaman niyang nagpatikim ako sa ibang lalaki, baka matauhan at humingi ng sorry.’’

“Baka magsisi ka lang sa naisip mong ‘yan. At saka isa pa, hindi bagay sa’yo ang magpapa-ano sa ibang lalaki para lang magantihan ang taksil mong asawa. Ano ka pokpok? Saan ka naman dadagit ng lalaki?’’

Napangiti si Jam.

‘‘Huwag kang ngingiti-ngiti d’yan at hindi biruan itong usapan natin. Basta huwag kang gagawa nang ikasisira ng buhay mo. Isipin mo, may dalawa kang anak. Mas mahalaga ang mga anak mo.’’

Napahinga muli si Jam.

‘‘Bukas, pumasok ka na sa opis at hinahanap ka na ni Bossing. Ako ang laging tinatanong dahil tayong dalawa ang magkaibigan. Pumasok ka na ha?’’

“Opo Sister Marie.’’

“Ayusin mo ang sarili mo. Magpaganda ka.’’

“Opo Sister.’’

KINABUKASAN, pumasok na si Jam. Napansin ni Marie na nagpaganda ang kaibigan. Maganda naman talaga si Jam. Nakapagtataka kung bakit nagloko pa ang asawa nito e napakaganda naman talaga niya. Sexy pa kahit dalawa ang anak.

Isang hapon na magkasabay silang lumabas ng opisina, nagyaya si Jam.

‘‘Halika Marie, samahan mo ako.’’

‘‘Saan?’’

‘‘May panonoorin tayo?’’

‘‘Sine?’’

“Basta!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

AYUSIN

HALIKA MARIE

HUWAG

JAM

NAPAHINGA

OPO SISTER

OPO SISTER MARIE

SAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with