Concert ni Martin, si Ogie ang producer
Labas na today ang reimagined version ng Bakit Ngayon Ka Lang ni Ogie Alcasid. Mas mabilis ito than the original.
Iba naman ang feel. Pero kanino na nga ba sinulat ni Ogie itong kantang ito noon? Kay Tetchie Agbayani nga ba? Iba rin talaga ang pagkamatinik ni Ogie Da Pogi na ngayo’y mukhang magiging active sa concert producing!
Totoo bang siya ang nasa likod ng major concert ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum? At sa magiging reunion ng Streetboys soon? Exciting, ‘di ba?
Nico, papansin sa Showtime!
Naging malaking balita ang paghihiwalay nina Christine Bermas at Nico Locco sa It’s Showtime. Totoo ngang first boyfriend ni Christine si Nico? Bakit mukhang presko si Nico sa pagsagot ng mga tanong at parang guwapong-guwapo siya sa sarili?
Bakit habang ang babae ay “to be honest” nang “to be honest,” si Nico naman ay parang astang gustong magpa-discover bilang host ng It’s Showtime?
Gimik, nag-mini reunion!
Ang ganda ng response ng mga tao sa Judy Ann’s Kitchen ni Judy Ann Santos-Agoncillo na may Gimik reunion with Jolina Magdangal and Marvin Agustin, Mylene Dizon and Dominic Ochoa.
Bale, magandang pa-birthday episode na rin ito ni Juday na magbibirthday at Mother’s Day this weekend.
Ang tanong, kailan naman kaya makakasama ang iba pang Gimik barkada?
‘Yung makakasama sana sina Bojo Molina, Giselle Toengi, Diether Ocampo, Patrick Garcia, Kaye Abad, Kristopher Peralta, Diego Castro, Andrea Blaesi, Kristine Hermosa, Paula Peralejo, Chesca Garcia, Baron Geisler, Carlos Agassi, Laura James, Desiree del Valle at John Lloyd Cruz? Naku, pang-Christmas episode na siguro ‘yan kung sakali!
JC Castro, hinahanap!
Lumalabas na naman kay @90skabaklaan si Juan Carlos (JC) Castro as photographed by Raymond Lontok noong 2000.
Nasaan na si JC Castro? May contact pa kaya sila ni Melissa Mendez? At nasaan na rin kaya si Raymond Lontok na bigla na rin lang naglaho after all those provocative pictorials and magazines?
Nakakata-quote:
“I genuinely love him and he knows that. He knows na he’s my first boyfriend din so I gave everything to him. I gave him a lot of chances because I just want to feel him also na there’s one person that can truly love him, na hindi na niya kailangang hanapin pa sa ibang tao.”– Christine Bermas, Vivamax star on ex-boyfriend Nico Locco
- Latest