Digmaan sa Black Rider, umpisa na
Isang malaking bakbakan ang haharapin ni Primetime Action Hero Ruru Madrid sa kanyang misyon para makamit ang hustisya sa hit primetime series at 2024 New York Festivals TV & Film Awards Bronze Medalist na Black Rider.
Kahit pa napabagsak na ni Elias Guerrero (Ruru) ang sindikato ng Golden Scorpion, hindi pa rin tapos ang digmaan na kanyang haharapin. May panibagong grupo ng kasamaan na mabubuo na magpapahirap sa buhay ni Elias bilang isang vigilante.
Marami pang mga dapat abangan lalo’t mabubunyag ang mga sikretong matagal nang nakatago.
Maraming bagay ang mababago sa buhay ni Vanessa “Bane” Bartolome (Yassi Pressman) dahil mabubunyag na ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.
Mapapanood na rin sa Black Rider ang isang bagong karakter, si Nimfa, na gagampanan ni Vivamax A-list actress Angeli Khang, na sasabak sa kanyang pinakaunang TV drama.
Si Nimfa ay isang napakaganda at mapang-akit na dilag, ngunit sumumpang hindi siya mapapaikot ng kahit na sinong lalaki. Sa pagkukrus nila ng landas ni Elias, malaki ang magiging papel niya sa buhay ng huli.
Paano nga ba maaapektuhan ang buhay ni Elias ng mga pangyayaring ito?
Makakasama ni Elias sa panibagong digmaang kanyang haharapin ang mga bagong karakter – Lianne Valentin bilang Sister Grace; Luke Conde bilang William; BJ Forbes bilang Mario; Epy Quizon bilang Sonny; Madam Inutz bilang Gina; William Lorenzo bilang Jojo; Yul Servo bilang Vice President Rosales; at Matet de Leon bilang Belen.
Ang Black Rider ay mula sa direksyon nina action director Erwin Tagle, at master directors Rommel Penesa (Lolong) at Richard Arellano.
Ang serye ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs.
Nakamit ng Black Rider ang pinakaunang international award nito matapos manalo ng Bronze Medal sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards – Entertainment Program: Drama Category.
- Latest