^

PSN Showbiz

Raffy Tulfo, nagbabalik sa Kapatid!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Raffy Tulfo, nagbabalik sa Kapatid!
Raffy Tulfo.
STAR/ File

Nagbalik-telebisyon si Sen. Raffy Tulfo sa pamamagitan ng Kapatid Mo, si Idol Raffy Tulfo.

Nag-umpisa itong mapanood sa TV5 kahapon, Abril 7, ang bagong programa ay naghahatid ng signature brand of public service ni Sen. Raffy sa pagtugon sa mga alalahanin ng mga distressed Pinoy na magbibigay-inspirasyon din sa mga manonood.

Ipapalabas tuwing Linggo ng 6:15 p.m., ang Kapatid Mo, Idol na si Raffy Tulfo ay gagamit ng isang dynamic format na pinagsasama ang actual footage sa mga docu-style upang bigyang-buhay ang bawat kuwento.

Ang mga kaso ay maingat na na-curate mula sa Wanted sa Radyo Action Center at mga post sa social media na na-tag sa pamamagitan ng #RaffyTulfoinAction.

May tatlong segments in each episode ang programa –magkakaibang hanay ng mga kuwento na nagbibigay-inspirasyon, nagbibigay-kaalaman, at nagbibigay-aliw sa bawat episode.

Mula sa mga isyu ng krimen at pang-aabuso hanggang sa mga emosyonal na salaysay ng mga unprivileged, ang palabas ay magiging isang plataporma para kay Sen. Raffy na tumulong sa mga naghahanap ng hustisya para sa mga biktima at mga taong nangangailangan.

Nag-umpisa nang mapanood ang Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo kahapon at programa at mapapanood ang susunod na episode tuwing Linggo 6:15 p.m. on TV5, with catch-up airing at 8:00 p.m. on One PH.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with