^

PSN Showbiz

Bea, ‘di napansin nang rumampa sa Singapore!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Bea, �di napansin nang rumampa sa Singapore!
Bea Alonzo

Nasa Singapore si Bea Alonzo nang lu­mabas ang joint statement nila ni Dominic Roque confirming the end of their engagement.

Kung dati, sa kanyang mga travel, ang ex ang kasama, itong trip ni Bea sa Singapore, ang pamilya ang kanyang bitbit.

May napanood kaming video na nagsa-shopping sila ng mom niya and her stepdad at sa kanilang paglalakad, walang fans na lumapit kay Bea.

Pero, sa ibang place sa Singapore na pinuntahan nina Bea, may mga Pinoy na nagpakuha sa kanya ng pictures at pati sa restaurant na pinuntahan na may Pinoy na workers.

Sa mga nabasa naming comment, may ilang BeaDom fans na umaasa pa ring magkakaayos sila dahil engagement lang naman daw ang kanilang tinapos. Wala raw sinabi sa statement na pati relasyon nila ay tapos na rin at sa mga umaasang fans, ipinaalala sa kanila ng kapwa fans na kasabay nang pagtatapos ng engagement nina  ang pagtatapos ng kanilang relasyon. ‘Wag na raw silang umasa para hindi na sila masaktan.

Pansin din namin na ibinigay sa kanila ang hininging privacy dahil tila wala nang usap-usapan tungkol sa nagtapos nilang relasyon. Pero, aba­ngan din natin kapag naging visible na uli si Bea at kapag in-open na ni Dominic ang comment box ng kanyang Instagram.

Miguel at Ysabel, paghihiwalayin na!

Paghihiwalayin na ba ng GMA ang love team nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega? Tanong ito ng mga nakabasa ng tweet ni Ysabel na “Sa mga pumiling sumuporta, maraming salamat. 2024 might be a little different for everyone pero sa mga patuloy na nagmamahal, it means everything to me.”

Hindi sinagot ni Ysabel ang tanong lalo na ang fans nila ni Miguel kung bubuwagin na ba ang tambalan nila.

May mga nagtanong tuloy kung hindi ba successful at hindi ba tinanggap ng fans ang love team nila kaya kinailangang tapusin na?

Successful naman daw ang TV series nilang  What We Could Be at Voltes V: Legacy at kasama sila sa rason kung bakit pinanood ang Firefly.

Ano kaya ang rason para buwagin ang tambalan ng dalawa?

Hati ang opinyon ng lahat sa nasabing tweet ni Isabel.

Pero hintayin na lang natin kung ano bang plano sa kanilang loveteam dahil ang management naman ang nakakaalam kung makabubuti sa kanilang career.

Mark Bautista tinira-tira dahil sa plano ‘pag nagka anak

Binanatan ng ilang netizens si Mark Bautista sa sinabi sa interview sa kanya ni Karen Davila na isa sa mga rason kung bakit gusto niyang magkaroon ng pamilya ay para magkaroon ng anak.

Okay na sana kung hanggang doon lang ang sinabi ni Mark, pero dinagdagan pa na ipinag-react ng netizens.

Sabi kasi ni Mark, kaya gusto niyang magkaanak para may mag-alaga sa kanya sa kanyang pagtanda. Ang pangit daw ng ganitong reasoning, na kaya lang gustong magkaanak para gawing caregiver ang magiging anak.

Paano raw kung ang magiging anak ni Mark ang alagain?

Mas tama raw kung “companionship” ang ginamit na word ni Mark sa kagustuhang magkaanak, para may makakasama siya sa kanyang pagtanda. Hindi raw tama ang prinsipyong ito ni Mark at baka walang babae na pumayag na maging asawa nito o kaya’y maging ina ng magiging anak ni Mark.

May panahon pa para baguhin ni Mark ang ma­ling paniniwalang ito at nang hindi rin siya ma-bash.

Wala pa naman siyang girlfriend, nag-iisip pa lang naman siya na magkaroon ng pamilya.

vuukle comment

ACTRESS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with