^

PSN Showbiz

Masayang pagod!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Masayang pagod!
Tonton, Jhassy at Gladys

MANILA, Philippines — Sa totoo lang, parang napagod ako kahapon dahil ang aga kong umalis sa bahay para sa brunch Christmas chikahan hosted by Jun Lalin.

Alam mo naman si Jun, ang bongga, gumagastos para maging happy ang friends niya.

At may pinadala pa si Kath Pimentel na gift basket kaya talagang ang saya. At ang sarap ng pagkain sa Tiong Bahru sa totoo lang.

Pagkatapos doon ay dumiretso ako sa lunch with Ms. Annette Gozon-Valdes kasama si Tracy Garcia.

Sa totoo lang, ang dami naming naging chikahan pero ayokong ikuwento dahil susulatin daw nina Salve at Gorgy Rula. Hahaha.

Bongga ang daming scoop.

May presscon din kahapon ang Unspoken Letter na pinagbibidahan ni Jhassy Busran.

Siyempre kasama ang mga alaga kong sina Tonton Gutierrez at Gladys Reyes at ang buong akala nila pupuntahan ko sila sa presscon.

Expect na expect pa naman daw si Gladys na darating ako sabi ni Salve.

Hahaha. Naloka siya na sa salon ako ni Bambbi Fuentes dumiretso para magpalinis ng kuko.

Bongga noh. Para sulit ang labas ko.

Pagod na ako noh at ang dami kong nakain.

Binabawalan nga nila ako na lagot ako sa mga doctor ko.

Hay naku basta happy tummy ako.

Period.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with