^

PSN Showbiz

Alden, tumangging mag-guest sa EB at Showtime!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden, tumangging mag-guest sa EB at Showtime!
Alden Richards

Hindi agad nakasagot si Alden Richards nang deretsahan siyang tanungin kung meron ba siyang dadaluhang kasal ngayong buwan ng July. “Medyo puno po kasi yung schedule ko ngayon...wala po yata.”

Obvious na ang kasal nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde ang tinutukoy na malamang ay hindi imbitado si Alden.

Pero hindi na ito inurirat kay Alden sa interview pagkatapos ng open forum sa mediacon ng Battle of the Judges na magsisimula na sa July 15, Sabado ng 7:15 ng gabi sa GMA 7 na siya ang host.

Isa nga siya sa sobrang nalungkot sa isyu nina Tito, Vic, and Joey sa TAPE, Inc., hanggang sa lumipat na sila sa TV 5.

Pahayag ni Alden; “I love these people dearly. This group of people. Antagal ko po silang kasama.

“It’s a good six, seven years of my entire career. I’m eleven, turning twelve years in the industry. So most likely, kalahati ng buhay ko sa Eat Bulaga, nasa Eat Bulaga po ako.

“So siyempre, of course… wala po akong karapatang makialam sa desisyon ng management ng parehong kampo dahil isa lamang po akong empleyado.

“Pero kumbaga, kung sa personal ko pong damdamin — sa puso — malungkot po ako na parang hindi na ako makakabalik sa pamilya na almost half of my career, nandoon ako.”

Nanatili ang relasyon niya bilang pamilya na rin sa mga Dabarkad.

Okay na okay pa rin sila ni Jose Manalo na isa sa judges sa Battle of Judges.

Pero hindi pa nga lang siya puwedeng makita kasama ang Dabarkads sa TV 5. “But we still remain friends, even off cam. But ‘yun nga po, yung opportunity na makalipat muli, makita po sa TV5, medyo yun po kasi ang… of course, hindi lang naman po GMA ang merong ganung exclusivity.

“All the other networks have that. But siguro, kahit saan man po ako mapunta, yung puso ko po bilang Dabarkads, hindi na mawawala yan,” saad ni Alden Richards.

Pero posible kayang makita si Alden sa bagong Eat Bulaga o di kaya sa It’s Showtime para makapag-promote ng Battle of the Judges?

“Sabi ko, ‘Ms. Annette (Gozon-Valdez), ngayon pa lang po, sasabihin ko na po na everything that has happened in the noontime world natin ngayon sa Pilipinas, ahh kung puwede hingin ko lang po na…

“‘Kumbaga, alam nyo naman po kung saan ako galing. Alam n’yo po yung of course in terms of yung relationship na meron ako, siyempre po, nandito po yun sa TVJ and sa Eat Bulaga.

“But let me clarify lang po, na not necessarily means hindi po ako magiging regular or guest with these noontime shows, is hindi po ako puwedeng mag-promote ng shows na meron po ako under GMA.

“So if it’s about promo, Ok po. Pero as a guest or regular host, baka hindi po muna,” mai­ngat nitong paliwanag.

Inalok daw siya ng dalawang noontime shows sa GMA 7 na mag-guest. “Pero by the time po kasi na natanong ako about ‘yung loyalty ko sa… not naman loyalty but my relationship with TVJ, siyempre sinabi ko po ‘yung piece ko.

“Hindi naman po ako plastik, e. Hindi ko puwedeng sabihin na wala kaming pinagsamahan ng Dabarkads before.

“Hypocrite naman po ako siguro kung ganun ako, di ba? So sinabi ko lang po ‘yung totoo, yung matter of fact, yung sa mata ng tao na nakita nila all through out those seven years.

“And siguro, I think that’s basic human rights mo, e. Karapatan ko po yun, e, to really defend yung relationship at yung respetong ibinibigay ko sa mga taong nakakasama ko po dito sa showbiz.”

Mikael at Megan bumili ng ticket ni Taylor sa Japan

Nagulat ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young nang binati ko sila sa Haneda airport ng Tokyo, Japan.

Magkasama pala kami sa isang flight na dumating sa Japan nung Sabado ng madaling araw.

Pero mas nagulat ako nang nalaman kong sobrang short lang ang biyahe nila sa Japan

Sabi ni Megan, “18 hours lang kami dito! Babalik din kami agad, may t­aping pa kami e.”

Sabi ni Mikael, saglit lang daw talaga sila sa Japan dahil kailangan nilang bumalik agad. Kailangan nilang mag-taping para sa Royal Blood.

Ang duda ko nga baka bibili lang sila rito ng ticket para sa concert ni Taylor Swift sa Japan, pero nalaman na­ming inira-raffle pa pala ang makakabili ng ticket.

Sobrang lakas ng bentahan ng tickets dito at ang aga nitong na-sold out.

Nakalimutan ko lang itanong sa mag-asawa kung ito nga ba ang sadya nila sa short trip nila sa Japan.

Samantala, maganda ang samahan ng buong cast ng Royal Blood sa taping.

Lalo silang na-inspire mag-taping at lalong pagandahin ang naturang drama series, dahil maganda ang feedback sa seryeng nito ni Dingdong Dantes.

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with