^

PSN Showbiz

AJ Raval, Aljur Abrenica umamin na sa pagjojowaan kahit todo deny noon

Philstar.com
AJ Raval, Aljur Abrenica umamin na sa pagjojowaan kahit todo deny noon
Litrato nina AJ Raval at Aljur Abrenica
Mula sa Instagram accounts nina Aljur Abrenica at AJ Raval

MANILA, Philippines — "Instagram official" na ang aktres at aktor na sina AJ Raval at Aljur Abrenica bilang magsing-irog kasabay ng Valentine's Day — ito ilang taon matapos iugnay ang aktres sa hiwalayan ng mag-asawang sina Aljur at Kylie Padilla.

"I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally," wika ni AJ sa isang Instagram post ngayong Martes.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Makikitang nasa beach ang dalawa at mukhang sweet na sweet. Naka-tag si Aljur sa naturang litrato at pinusuan pa ito sa komento.

Sinabayan din ito ni Aljur ng pagpapaskil ng larawan nilang magkasama ni AJ. Wala itong caption ngunit makikitang magkayakap ang dalawa sa tabi ng isang motorsiklo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Oktubre 2021 nang binanggit ni Kylie na nagkasundo sila ng asawang mag-date na ng ibang tao, at wala na raw isyu kung sino pa ang kanilang kitain.

Parehong buwan din iyon nang sabihin ni AJ na hindi siya "kabit ni Aljur" at "never" nanira ng pamilya nina Kylie. Pinaaamin din noon ni Aljur si Kylie tungkol sa pangangaliwa raw ng misis.

Nobyembre 2022 naman nang unang pumutok ang balitang ipinanganak na raw ni AJ ang anak nila ni Aljur, bagay na nangyari raw sa isang ospital sa Pasig City. — James Relativo

vuukle comment

AJ RAVAL

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

VALENTINE'S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with